CHAPTER 59

80 2 0
                                    

Shine's POV

3 weeks na din ang naka lipas pagkatpos nung mag new year.. at ngayon nasa ospital na kami.

Remember si rain maooperahan na! Sobrang saya ko kaso kinakabahan ako. Mamayang 8:30 am sya oo perahan. Maaga pa naman e 6:00 palang.

"Shine. Salamat ha?" Sabi ni rain. Kaming dalawa lang ngayon dito. Si jane inaasikaso yung gamit namin.

"Salamat saan sis?" Sabi ko sa kanya. Hinawakan ko yung kamay nya.

"Kasi.. nag effort ka na mag hanap ng donor para saakin. Sobra sobra na nga to e. Sa dami ba naman ng ginawa ko sayo ng masama"

Sabi nya tapos hinigpitan nya yung kapit sa kamay ko. Hinayaan ko lang sya mag salita.

"Kung ano man ang mangyari. Mahal na mahal ko kayo ni mama at ni kuya tyrone." Sabi nya.

"Walang mangyayari rain. Lahat magiging ok. think positive sis"

Kinabahan tuloy ako lalo sa sinabi nya. Pano nga kaya kung may mangyari. Nako susunugin ko tong ospital na to..

Ramirez ospital to. Hindi kami nag punta sa ospital nila aunt clara kasi maraming pasyente. Ayaw naman namin makadagdag pa doon kaya dito nalang kami.

"Ahm, sis may ibibigay ako sayo. eto oh, pocket wifi. Sayo na yan, andyan na din yung password para magamit mo"

"Salamat, gagamitin ko to promise. Para alam mo na incase din"

" may gusto ka ba?" Tanong ko. Naman sa kanya
Umiling naman sya.

"Baka nagugutom ka?" Tanong ko ulit.

"Hindi sis. Ayoko na mag pabigat pa"

"Haha. Ano bang sinasabi mo? Sis, kahit kelan never kang naging pabigat. Di ka nga namin binubuhat e"

"Sis naman! Ang pilosopo mo talaga!"

"Hahaha ayan, ngumiti din"

Nag vibrate yung cellphone ko. Kinuha ko naman yun agad sa bag ko. Nag text si mama na papunta na daw sila dito.. si kuya tyrone lang ang kasama nya.

"Sino yun?" Tanong ni rain. "Ah, sabi ni mama papunta na daw sila dito. Kasama nya si kuya tyrone" sabi ko naman. Tumango lang sya. Naupo muna ako sa mini sofa doon.

Biglang may tumawag saakin. Tss. si coton candy boy nanaman.

"Oh?"

[Sungit naman nito]

"Tsk. Ano nga yun"

[Papunta na ako dyan]

Papunta? Eh! Teka, di pa ako nag aayus e! WAIT! bakit naman ako mag aayus? Ano bang meron? Tss. Pupunta lang naman dito si sky e. dati nga wala naman sakin kung pangit ako o hindi pero ngayon bakit parang concern na concern ako sa sarili ko.

[Di ka ba masaya na pupunta na ako dyan at makikita mo nanaman ako?]

"Hindi"

[Ay grabe. Sige na di na ko tutuloy]

"Ha? E ano.. sige na pumunta ka na"

[Sabi ko na nga ba e! Di mo ko matitiis e! I love you baby girl]

"Wala ka kayang sinasabi ! Sus. Bolero! Gusto mo lang ng coton candy e!"

[UY hindi ah! Baby girl. Anong gusto mo? Bibili kasi ako sa groceri e]

"Kahit ano"

[lah. Walang brand ng 'kahit ano']

"Pilosopo! Sige na. Ikaw bahala basta galing sayo"

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon