CHAPTER 14

147 10 0
                                    

Shine's POV

nang kumalma na ako, pinuntahan ko si sky sa room nya. Wala ng katok katok, binuksan ko agad yun, nakita ko sya na nonood ng tv.

"hindi ka ba marunong kumatok? Ano shine, nagustuhan mo ba yung gift ko!?"

Sa sobrang inis ko... binato ko sa kanya yung hawak kong phone case. naka ilag sya ..

"Ano bang ginawa ko sayo sky ha!? pati ba naman yung kinakatakutan ko ibibigay mo saakin!? Alam mo ba dahil aa ginawa mong yan, inatake nanaman ano ng trauma ko? Alam mo ba na galit na galit ako sayo! Di ka na nakakatuwa e!!"

Umiyak nanaman ako, umalis ako sa kwarto nya. Tumakbo ako. Nanlalabo yung paningin ko, may eye contac lence naman ako.

mamaya maya, nawalan na ako ng malay.

Sky's POV

Gusto ko lang naman sya pagtripan e. Nakaka tuwa kasi kapag naiinis sya, hindi ko alam na galit na pala sya at sumosobra na ako.

Hinabol ko sya, pero nakita kong nag ko-cross yung lakad nya.
Tapos bigla syang nahimatay.

Tumakbo ako ng sobrang bilis. Binuhat ko sya papunta sa room ko.

Hiniga ko sya sa kama ko, ang init nya. Ano to nilalagnat? Wag mo sabihing magiging nurse pa ko neto?

Kumuha ako ng bimpo at malamig na tubig. Nilagay ko yun sa noo nya.

Kasalanan ko to e. Look what i did tch. Maya maya ay minulat nya yung mata nya. Naka hinga naman ako ng maluwag dahil alam ko kahit papano ay ok na sya.

Tumingin muna sya sa paligid sabay umupo sa tabi nya.

"Bakit ako andito!?"

Sabi nya.. nakita ko sa mata nya na natatakot sya.

"Kasi kwarto ko to" sabi ko sa kanya sabay ngisi. Oo kasalanan ko pero hindi ko ipapakita na nag sisisi ako.

Naiyak nanaman sya.

"Wag mo ko pilosopohin kapag ganito ang sitwasyon sky. Ulupong ka talaga eh. Pano kung mamatay ako? Anong gagawin mo? Pag tinanong ka nila anong isasagot mo? 'Kasi napikon sya' ganun ba? Ano bang problema mo at lagi mo kong pinag titripan? Sabihin mo sakin ano?"

Medyo nagulat ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko matanggap na tinawag nya kong ulupong. Sa gwapo kong to? Pero dapat ba nya talagang malaman kung anong problema?

" Gusto mo ba talaga malaman?"
Sabi ko sa kanya, tumango naman sya. Huminga ako ng malalim.

"Kasi gusto kitang asarin. Ang pangit mo kasi kapag naggalit ka! Hahahaha!"

Nainis sya sa sinabi ko kaya tumayo sya kaso ... nahilo sya kaya natumba sya sinalo ko sya agad.

Ang kaso naka patong sya saakin, tapos.....

We kissed again....

Jane's POV

Ang tagal namin hinihintay si shine dito sa kwarto. Nasan na ba yung babaeng yun?
Pa VIP din eh inaantok na ko!

"Asan na ba si shine!?" Tanong ko sa kanila. Gustong gusto ko na matulog e pagod na pagod ako.

Bigla tumunog yung cp ni mark kaya napatingin ako kung sino yun.

"O guys, nag txt si sky.. sabi nya dun daw muna matulog si shine. Kaya wag na tayong mag alala."

"Hayy.. sa wakas at makaka tulog na din Ako. " sabi ko sa kanila. Hindi ko nainabala pang mag isip kung pano nya napatulog si shine doon samantalang ayaw nun may tumatabi sakanyang lalaki maliban sa kuya nya.

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon