CHAPTER 29

107 7 4
                                    

Jane's POV

Kumakain kami ngayon ni shine. Oo bumalik na sya, ang dami nyang kinwento saakin. Mabuti nga at nag kaayos na sila ni tita.

"Anong balak mo ngayon? Makakatamad. Sabado pa naman"

sabi nya. Biglang may tumulong luha sa mata ko. Di ko makalimutan si liam.

"Tsk. Yan ka nanaman e! Iiyak tatawa iiyak tatawa. Ano ka ba. Move on na. Siguro kung nabubuhay pa si liam ngayon, sure ako sasabihin nun mag move on ka na"

Siguro nga. Pinunasan ko yung mga luha sa mata ko at nilagay yung plate ko sa lababo.

"Ah. Alam ko na.... halika may pupuntahan tayo"

Shine's POV

Nung nabasa ko yung letter ni manong driver. Feeling ko lagi akong may mahihingan ng tulong.

Dinala ko si jane sa FTS (free to shout) yung kay aunt clara.
Doon ay sigaw lang sya ng sigaw.

"LIAM SORRY!! KUNG ANDYAN KA NA SA HEAVEN SANA MASAYA KA!! LIAM! PAYAG KA BANG BUKSAN NG MULI ANG PUSO KO? "

Hinayaan ko lang sya sumigaw. dahil dyaan gumaan ang loob ko. Biglang humangin ng malakas na malakas. Siguro sign na yun na pumapayag si liam.

Naiyak si jane. Agad akong lumapit sa kanya. Hinimas ko ang likod nya.

"Siguro nga pumapayag na sya"

Biglang nay hinatak si jane sa leg nya. Teka, necklace nya yun ah. Bigla nyang tinapon yun. Sabay hinga ng malalim.

"simula ngayon, mag momove on na ako."

Sabi nya sa sarili nya. Inayos nya ang mukha nya at pinahid lahat ng luha.

Ngumuti sya at sabay sabi "paalam liam, salamat sa lahat"

masaya ako sa kanya. Dahil ngayon ay nagising na sya sa katotohanan, wala pang tulog to kakaiyak kagabi.

Madaling araw na ako naka uwi sa bahay namin ni jane, pinayagan na din ako ni mama dahil andun na si kuya.

Umuwi na kami at nag pahinga. mag tatabi muna kami ngayong gabi dito sa guestroom ng bahay namin. Dahil yung kwarto ko makalat pa. Yung kwarto ni jane
Puro bubog. Kaya dito muna kami.

*****kinaumagahan*****

"liam...sorry.. liam"

Nagising ako sa ingay ng katabi ko. Si jane tulog tapos nag sasalita, hayy hanggang dito ba naman madaldal parin sya?

Hindi ko sya ginising dahil baka si liam yung pinapanaginipan nya kaya ang ginawa ko....

Vinideohan ko sya. Hahaha. Tulo pa laway yeah, may pang blockmail na ako.

Dahil 5:00 am palang. Nag decide ako na mag jogging. Oo na alam kong sexy na ako pero mas mabuti kung magiging maganda ang health ko.

(Author: sexy? Payatot ka di ka sexy!)

Ewww. Epal ka author aga aga basag trip ka!

Anyway back to the story. Ayun nga, naligo muna ako at sinuot ko yung pang jogging ko.

Nag dala din ako ng tubig dahil baka mauhaw ako. Nag iwan nalang ako ng sticky note para malaman ni jane kung saan ako nag punta.

habang nag jojogging ako di ko maiwasan na mainis. Ewan ko mukha akong sira dahil si sky naiisip ko.

Naiinis ako sa kanya. Pag bintangan ba naman ako at sabihan ng sinungaling. Bahala sya sa buhay nya. Pag ako nagalit di ako namamansin kaya di ko sya papansinin.

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon