Shine's POV"Ahhhhhhh!!" Sigaw ni sky. Langya. Ako tong nanganganak dito sya yung sumisigaw!
"Ma'am.. tatlo nalang po lalabas na ang baby" sabi nung nurse. Sumigaw ako at sumigaw din si sky.
Nung unang sigaw ko medyo mahina pa. Ikaw ba namang 13 hours mag labor.
"Ahhhhh--- aray!" Sabi ni sky. Binatukan ko nga
"Ako yung nangangank tapos ikaw sumisigaw. Siraulo!"
"Tignan mo kamay ko oh! Matatangal na ang higpit-- arrrrraaayyyy!!" Sabi nya dahil muli akong umire.
Nararamdaman ko na ang ulo ng bata at kailangan ko na itodo to dahil baka maipit ang leeg ng anak ko. Kahit mahirap kakayanin ko dahil gusto ko na talaga syang makita.
"Last one ma'am. Ibigay nyo na lahat ng lakas nyo. " sabi nung nurse.
Tumango ako at nag ready na huminga muna akong ilang beses para kumuha ng lakas. Si sky naman nag hahanda na din.Huminga ako ng malalim at sabay ire. Naramdaman ko na lumabas na ang bata pero.....
Wala akong narinig na iyak. Sobrang tahimik ng lahat at tila naka kita ng multo. .
"Kamusta ang baby ko" hina kong sabi .
Hanggang sa... nawalan na ako ng malay.-after 4 hours-
Nagising ako dahil sa tunog ng isang machine. Nakita ko si sky. Naka upo lang.
"Asan si baby? Asan yung anak ko!?" Sabi ko sa kanya. Medyo natatakot ako at parang kinutuban. Pero sana mali. Mali sana.
"Mahiga ka muna.. please!" Sabi ni sky. Habang hawak ang mag kabila kong braso. Mugto ang mata nya at halata mong kakagaling lang sa iyak.
"Ipakita mo sakin ang anak ko sky! Gusto ko sya makita!--"
"Anak ko din sya shine! Hindi lang ikaw ang nawalan---" natigilan sya sa sinabi nya
"T-t-teka.. a-anong n-na-na-walan? Sinong nawala?" Sabi ko. Ang mga luha ay hindi na mapigilan sa aking mga mata.
May pumasok na nurse .. may buhat na puting tela at tila may naka balot sa loob nun.
"Sorry ma'am. ..pero kulang sa buwan ang bata.. hindi po nya kinaya .. Ginawa na po namin ang lahat pero--" umiling iling ako habang inaabot si baby.
"Please umalis muna kayo... Umalis muna kayo!!!!" sigaw ko dahil di ako maka paniwala.
Maliit palang ito. Hindi pa ganun kalaki. Si sky naman lumabas dahil hindi nya na kaya. At yung nurse din umalis na medyo naiiyak pa dahil nga affected sya.
Hinawakan ko ang pisngi ng bata gamit ang daliri ko dahil sobrang liit lang nya. Kung ikukumpara kasing laki lang ng sapatos na size 39
"Hi baby girl... si mommy to. *sob* hinga ka na baby girl. .. andito ka na sa earth oh. *sob* i love you baby. Alam mo ba pinaglihi kita sa bayabas? Baby girl ... gising na oh~ open your eyes *sob* *sniff* si daddy sky nasa labas... umiiyak kasi.. kasi... wala ka na.. mahal na mahal ka namin ni daddy mo ah?" Sabi ko habang hawak ang sobrang liit nyang kamay.
Umiyak ako ng todo at hinalikan ang noo ng bata. Pumasok ang nurse at kukuhain na ang bata
"Saglit" sabi ko dahil naramdaman kong gumalaw yung paa.
"Ma'am kailangan ko n--- ma'am si baby gumagalaw!!" Sabi nung nurse. Dumilat ang matang bata sabay palihis na ngumiti. Hindi ako maka paniwala at parang huminto ang mundo ko. Pumasok si sky at tinignan ang batang hawak ko na gumagalaw at medyo naka ngiti. Pati yung nurse ay di mapakali at tinawag ang doctor.
Chineck nya si baby at inilagay sa isang maliit na kama sa tabi ko at doon sya nilagyan ng kung ano ano.
"Ilalagay muna namin sya sa incuvator para mas madevelop sya. For now she's fine at isang malaking himala talaga ang nangyari. Dahil karamihan ay hindi pa nabubuhay sa ganyang kalagayan." sabi ni doc.
Umiiyak ako ngayon pero dahil sa kasiyahan... kasiyahan na nadama ko.
Lumaban sya dahil sa halik ko. Lalaban ang baby ko. Kaya lalaban din ako.Someone's POV
Well... your baby is your weakness huh?! Tignan natin ngayon kung maging buo kayong pamilya.
Tulad ng pagsira nya sa pamilya ko.
Be ready sky... im back.
BINABASA MO ANG
Sweet Badboys
General FictionShine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't accept it from her own family. Her life was a mess. Just like a strom, full of dark clouds and heav...