Shine's POV
Nag hahanda na ako para sa araw na to. Ang araw na pinaka hihintay ko.. Araw na pinapangarap ng lahat ng babae.
napaka ganda nga ng gown ko e. Simple pero sobrang ganda. Ako si rain at si mama ang kasama ko pumili ..
"anak, napaka laki mo na talaga. Wag mong kakalimutan si mama ah? lagi mo kong dadalawin anak, yung apo ko ah." mangiyak ngiyak na sabi ni mama.
"mama.. Apo po agad? Hehehe ma salamat po. Hinding hindi ko po talaga Kayo makakalimutan. Lagi ko po kayong dadalawin." naiiyak ko din na sabi. Medyo natatawa din ako dahil gusto agad ni mama ng baby.
"wag ka na umiyak. Matanggal pa yang make Up mo oh.. Ang ganda ganda mo.. Kamukha kita nung dalaga pa ako. Ang ganda ko din. O sya sige. Lalabas muna ako ha? Tatawagin ko nalang si rain."
"ok ma. Salamat po"
Naiwan ako sa kwarto at inaayos ko ang sarili ko. Napaka ganda ko sa gown na to. Tinitigan ko ang sarili ko, parang dati lang bata pa ko. Ngayon ito na.
Bumukas ang pinto at pumasok na si rain. Napatingin ako sa kanya at Niyakap nya ako habang may luha sa mga mata nya.
"wag ka nga umiyak rain. Ang ganda ganda mo e."
"sis.. Ikakasal ka na.. Kaso ako eto. Model parin ... Pero sis, congrats ah. Wag mo kaming kakalimutan.. Bigyan nyo na ng kalaro si pompom."
"ikaw din sis? Hayst.. Mukha kayong apo.. Pamangkin. Osige. Haha pero kinakabahan ako e..."
"kinakabahan sa.... Kasal?"
"hindi.. Sa ano.. Sa.. Alam mo na."
"ah.. Sa honeymoon.. alam mo girl, ok lang yan.. Just go with the flow."
"teka, bakit alam mo?"
"ha? Hehehe"
"nako rain"
"e! Pero sis.. Mahal na mahal ka namin! Wag mong kakalimutan yun ah? Tignan mo oh. Ganda ng dress mo.. Pero mas maganda yung may suot.. Bakit? Kasi kamukha ko. Kaya ang ganda ko din"
"ikaw talaga.. Pa hug nga" sabi ko at naiiyak na pero kailangan ko pigilan to kasi yung makeUp ko!
"hmm... Mamimiss ka namin ni jane pag umalis ka na sa bahay." banggit nya.
"mamimiss ko din kayo. Sobra." sabi ko at medyo namaos ang boses ko dahil naiiyak na talaga ako.
Lumabas muna si rain at kasabay nun ang pag pasok ni kuya. Ito na, sa kanya ako mas lalong nagiging emosyonal e.
"kuya..." sabi ko at paiyak na talaga ako. Huhuhu ayoko umiyak baka mag muka akong zombie. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
"shine, ang ganda mo sa gown na yan.. Babae ka na talaga at di ka na manang." halatang halata na pinipigilan ni kuya yung luha nya. Naka ngiti lang ako at naka tingin sa mata nya.
"o bakit ganyan ka makatingin?"
"kuya.. Wag mo na pigilang umiyak. Gwapo ka pero ang pangit hahaha. Kuya mamimiss kita. Sorry kung naging pasaway ako sayo nung bata pa tayo. Kuya salamat sa lahat ng pag aalagang ginawa mo sakin. Salamat sa lahat ng comfort."
Pag kasabi ko non.. Doon na umiyak si kuya .. Yumuko sya at umiyak. Lumapit ako at niyakap ko sya. ..
"shine mahal na mahal ka ni kuya ah? Tatandaan mo yan.. Kahit na malayo ka na samin. Andito ka lang sa puso ko. Iingatan mo sarili mo ah? Wag mong kakalimutan yung mga payo ko sayo."
"kuyaaa. Salamat kasi ikaw ang naging kuya ko. Kahit wala na si papa atleast may kuya akong bestfriend ko, tatay ko, at higit sa lahat naging sandalan ko kapag nanghihina na ako."
BINABASA MO ANG
Sweet Badboys
General FictionShine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't accept it from her own family. Her life was a mess. Just like a strom, full of dark clouds and heav...