Sky's POV
Nakarating agad kami sa bahay nang ligtas. Tulog nanaman si shine dahil nahihilo sya.
Tatawagan ko nalang agad yung personal doctor ko. Hindi ko na din gigisingin si shine.
Pinark ko na yung sasakyan ko sa parking lot nitong bahay namin meron nga pala kaming 4 nasasakyan.
bago ako bumaba tinitigan ko si shine. Kinuha ko yung cellphone ko sabay kinuhaan ko sya. Hahaha! Ang gulo ng buhok nya dito.
I lo-lock screen wallpaper ko din to. pfft. para pag gising ko sa umaga. magigising talaga yung diwa ko. Bumaba na ako ng sasakyan, pumunta ako sa gunshot seat para buhatin ang butiki na to.
Bridal style ang buhat ko sa kanya para madali. Binuksan ng katulong namin yung pinto.. dumiretso ako sa kwarto ko.
Siguro natuyuan to. Tsk, kasalanan ko to e.
Tinawag ko si yaya linda. Sya yung pinaka matagal na maid saamin. Buhay pa si dad at baby palang ako andito na si yaya linda."Yaya, pahingi nga po ng towel at warm water thank you"
Tumango naman agad sya. Habang naka higa si shine sa kama ko hindi ko maiwasan na hindi sya tignan.
Parang may puting aura na nakapaligid sa kanya at parang kinakalabit ka para tignan sya.
"Baka matunaw yan" napalingon agad ako dahil sa gulat.
"Oh ma?" Nagtataka ako dahil minsan lang pumasok to si mommy dito sa kwarto. tapos may babae pa sa kwarto ko.
ni minsan hindi pa ko nag dala ng babae sa kwarto. oo madami sila pero ni isa wala pang naka pasok dito
"Anak, alam mo bagay kayo" biglang nag init yung pisngi ko. Si mommy ba talaga to? o baka naman sinaniban?
Alam ko strict yan pagdatingbsa mga babae na napapalapit saakin. ayaw nya daw akong nasasaktan. pfft.
Pero dahil playboy ako, nasanay na sya. Kaso bakit sya ganito? Ngayon lang sya naging concern sa lovelife ko.
"Haha, ma ano po bang sinasabi nyo dyan?" Tumawa ako ng fake. Kinakabahan ako.
"Alam mo son, kilalang kilala nakita. Alam kong seryoso ka sakanya." Sabi ni mom. Napatingin naman ako kay shine.
Oo seryoso ako sa kanya. "Yes mom. Pero di ko po talaga alam bakit ako nag kakaganito. Hindi naman sya yung tipo ko."
"Alam mo, hindi kasi natin madidiktahan ang puso. Kung sino ang gusto nyang mahalin. Mamahalin nya"
Tama naman sya.. "osya, sige na i have bussiness meetings pa .. ingatan mo sya ha? Wag mo syang sasaktan" tumango naman ako. ang bait talaga ng mommy ko.
Bumalik na si yaya linda. "O eto na yung hinihingi mo" sabi nya sabay lagay sa study table ko yung maliit na lalagyan.
"Ahm, ya. Pwede po bang paki asikaso si shine, may bibilhin lang po ako.."
"Osige iho. Mag ingat ka"
Tinext ko na din si doc. Kaso wala pala sya dito sa philippines. Tinanong ko nalang sya kung anong gamot ba dapat ang ipainom ko kay shine.
Sabi nya paracetamol lang daw. pagkatapos ko ibaba ang cellphone ay bigla ulit itong nag ring.
Biglang tumawag si mark. "Hey bro? Bakit napatawag ka?"
[Aba, good mood si mokong ah!]
"Ewan ko sayo! Gag0"
[Pre, ano nangyari kay shine? Wala sya sa 2 subjects a? Ikaw din wala. mag kasama ba kayo? nako sky. Bata pa kayo para dyan]
anong ibig sabihin nitong ugok na to? kung ano ano ang naiisip walangya.
"sira ulo! Nilalagnat si shine. Andito sya sa bahay.."
[Nako... bigyan mo lang yan ng yakapsul at kissperin gagaling agad yan!]
"ugok ka talaga! Dyan ka na nga leche."
Yakapsul at kissperin? Gawin ko kaya? Hahaha joke lang syempre.
inend ko na yung call kasi baka mangulit nanaman yung lalaking yun. For sure magkasama sila ni jane. I'm happy for them. bagay naman sila.
pagbaba ko ng phone galing sa tenga ko. Nakakita ako ng lalaki, para syang familiar saakin. Matangkad at naka hood kasi e. Kaya hindi ko nakita yung mukha.
Napansin nya yatang naka tingin ako sa kanya kaya umalis sya. Tumakbo ako at binuksan ko yung gate kaso wala na sya.
Bigla akong kinabahan. Baka kasi saktan nya si shine. Hindi ako papayag.
****
Andito ako ngayon sa botique. "Ate pabili nga po ng paracetamol yung branded" sabay kindat. Para mas bumilis ang kilos nya. Ayoko ng mabagal.
Kagat kagat pa nung pharmasist yung kuko sya at kinikilig kilig pa. tss. Ganyan talaga pag gwapo e.
Binigay ko na yung bayad kong 1000 "keep the change" sabi ko sabay alis. Sumakay na ako sa sasakyan ko.
Pinaandar ko na din yun ng mabilis ... nakita ko sa side mirror na may sobrang bilis na motor. Hindi ito yung tamang panahon para makipag karerahan ako sa kanya.
Binaliwala ko nalang sya kaso..
*ennggkk ginasgasan nya yung napaka sensitive kong sasakyanGag° to ah? Gusto mo pala ng away ha!!? Tinabi ko yung sasakyan ko kaso nag dirediretso sya.
Humanda talaga yun. Nakooo!!!!!!
Naiinis ako! Ingat na ingat ako sa kotse ko tapos gaganunin nya lang? Bwiset!!
BINABASA MO ANG
Sweet Badboys
General FictionShine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't accept it from her own family. Her life was a mess. Just like a strom, full of dark clouds and heav...