Shine's POV
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Di ko namalayan na nakayakap na pala ako kay sky. Ang sarap ng tulog nya.
Unti unti kong nilapit yung mukha ko sa mukha nya. Ngayon ko lang nalaman na mahaba pala yung pilik mata nya. Tapos yung ilong nya ang tangos. Tapos yung... *gulp yung.. Labi nya... Color light pink..
Tinitigan ko mabuti yun tapos.. Biglang nya akong niyakap kaya ayun.. Nahalikan ko sya. Tumayo naman agad ako.
Nag curve ng smile yung labi nya.
"bwisit ka! Gising ka na pala..." nakaka hiya naman. Hinapas ko sya ng mahina sa braso nya habang tumatawa sya.
Tumayo na ako at mag shoshower na ako. Kaso hinawakan nya yung wrist ko.
"teka, saan ka pupunta?"
"sa sementeryo.. Malamang sa cr"
"sabay tayo"
"anong sabay tayo.. Suntok gusto mo? Hindi pwede noh!"
"pleassee??" tapos nag puppy eye sya at nag pout.
"sky tumigil ka nga! Hindi bagay sayo!"
"syempre Kasi ikaw lang ang bagay sakin.. Kaya sabay na tayo?"
"err.. Kasi! Ako na mauuna ok?"
"hahaha. Sige na nga baka sumabog ka na sa kapulahan ng mukha mo!"
"hmp!"
-----------------------
Andito na kami ngayon sa kusina. Sabay sabay na kami kumain. Himala at hindi nagulat si jane na nandito si cyne.
"pano pa ko magugulat sa ingay nyo ba kagabi e!"
"naririnig mo pa kami?" tanong ko habang kumakain.
"oo.."
"si shine may kasalanan hindi ako!"
"hoy anong ako? Ikaw kaya yun!"
"tumigil na nga kayo! Itong aso't pusa na to e... At wag kayo mag alala alam ko na.. Hindi nga halatA e.. Hindi talaga hatala na kayo na"
"ha? E .. Hehehe. Jane wag mo muna sabihin kela kuya ah.. Mamaya na namin sasabihin e. Kinabahan nga ako e.."
"nako patay ka kay kuya tyrone. Kuya sky... Dadaan ka muna sa butas ng karayom"
"hindi yan.. Kaya ko naman patunayan na mahal ko si shine e."
"eww. Ang cheesy!"
"o ano sabay sabay na tayo?"
"nako di ako pwede bhe e.. Bibisitahin ko pa si rain sa ospital. Andun si lorene ngayon e at susunduin ako ni mark"
"mag ingat kayo ah"
"opo kuya"
"pano.. Mauuna na kami?"
"sige.. Ingatan mo bestfriend ko ah. Kailangan pag balik nyan walang gasgas o sugat.."
"opo bunso"
Lumabas na kami ng bahay. Naalala ko, motor gagamitin namin. Binigay nya yung isa pang helmet sakin.
"kumapit ka mabuti" sabi nya sakin. Hinakawan ko sya sa jacket nya.
Sabay hinawakan nya yung kamay ko at hinayaan nya na yakapin ko sya."sure ka?"
"hmm.. Yumakap ka, hindi kita hahayaan na mahulog pa sa iba.. Ok?"
"OK!"
Inistart na nya yung motor at umalis na kami. Naka rating naman kami agad sa bahay. Kinakabahan ako sa reaction na ni kuya tyrone kesa kay mama. Alam mo naman si mama e.
BINABASA MO ANG
Sweet Badboys
Ficción GeneralShine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't accept it from her own family. Her life was a mess. Just like a strom, full of dark clouds and heav...