CHAPTER 25

104 7 0
                                    

Shine's POV

Bigla akong nagising dahil naramdaman kong may humihimas sa ulo ko.

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng makita ko si mama.

"Ma.."

"Anak, patawarin mo sana ako. Sa lahat ng nagawa ko. Pasensya na ah, dahil hindi mo naranasan ang pag mamahal ng isang ina at sa iba mo pa naramdaman yun. Anak may sasabihin ako, may kakambal ka."

Nagulat ako sa mga sinabi ni mama. Ako ?

"Sya si rain. Kaya ako nagalit sayo .. dahil paborito ka ng tatay mo. At dahil noon nag hirap tayo, ipinamigay namin si rain. Sobrang sama ng loob ko. Kaya nagalit ako, hindi na namin nakita si rain, kahit balita mula sa kanya wala. At nung umunlad ulit ang buhay natin. Hinanap ko si rain kaso hindi ko na sya makita. Patawad anak"

Naiyak ako sa sinabi ni mama. Kaya pala may r sa likod ng Babae na si pinky girl. Sya nga... pero bakit ba sya nag hihiganti?

Nailabas ko si mama ng ospital. Ayus na daw sya sabi ng doktor pero ingat parin. 3 days . na ang nakalipas simula nung nagbago si mama. Ngayon pauwi na kami.

Nung nakasakay na kami sa taxi, ngumiti si mama saakin. Ngayon ko lang sya nakita na ngumitin Ng ganyan.

sumandal sa balikat ko si mama at naka tulog. Nakita ko yung rear mirror. Nakakitingin saakin yung driver.

Teka, pamilyar sya ah., OMG sya yung driver na nasakyan ko nung gabing papunta ako sa ospital.

"Sabi ko sayo e!"

Sabi nung driver. "Pano nyo po nalaman" nakatingin na yung driver sa daan.

Ngumuti lang sya. Kinikilabutan naman ako. Nakarating kami agad sa bahay.

Natutulog na si mama ngayon. Doon sa kwarto nya. Pumunta agad ako sa kwarto ko at nsg bihis.

Kinapa ko yung bulsa ng pantalon ko at nakita ko yung papel. Teka, eto yung binigay saakin ni manong driver ah

'Kapag masaya ka. Doon mo lang ako makikita pero kapag malungkot ka, doon mo lang ako makakausap. Lagi kang ngumiti. Walang masamang mangyayari ;)"

Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip nun. nakakadalawang sakay na ako pero never pa ako nag bayad sa kanya.

Nag bihis na agad ako. Si kuya nasa school na sya. Umabsent ako para mabantayan ko si mama.

Kailngan ni kuya humabol. Dahil mag sesecond grading na.

Jane's POV

may trangkaso ako ngayon kaya hindi ako naka pasok. At nabalitaan ko na tinakbo si tita sa ospital kanina.

Andito ako ngayon sa kwarto ko. As usuall ksama ko si mark kaya hindi sya pumasok.

"Kumain ka na"

sabi nya. nahihilo ako kapag umuupo at tumatayo kayo eto. Nakahiga ako.

"Wala akong ganang kumain"

Bigla syang nag evil smile. may binabalak to. Kala nya di ko nakita?

" kumain ka na"

"Ayoko kumain"

"Kakain ka o kakain ka"

"Yung o"

"Isa.."

"Dalawa.."

"pilosopo! Kumain ka na, kailangan mo ng lakas"

"Ayoko nga....."

"kakain ka o hahalikan kita?"

bigla akong natigilan. Naiinitan ako. Ano nag bablush?

"ahm si-sige k-kain na"

"Kakain din naman pala pakipot pa! Susubuan nalang kita"

"Hindi kaya ko na"

"Susubuan kita o hahalikan kita?"

Arrrgggg!!! Naiinis na ako!

Umupo ako at nag lagay ng unan sa batok ko.

"say ahhh"

"Di na ako bata"

Kumain agad ako nung niluto nyang soup. Grabee.. ang sarap. Ngayon lang ako naka tikim ng ganitong kasarap na soup.

"ang sarap mo mag luto"

"Ano pwede na ba?"

"Pwede na bang ano?"

"Pwede na bang maging future husband mo?"

"Ewan ko sayo! Pero realtalk. Ngayon ko lang natikman to sa buong buhay ko"

"Syempre. May special recipi ako"

"Ano un?"

"Una, gwapo ang nagluto, pangawala may kasamang pag mamahal and last but not the least sweet"

"Yabang ah. Pero pwede na"

Parehas kaming tumawa dahil dun. tinitigan ko sya sa mata nya. Kaso bigla din syang tumingin.

At dahil dun nagka titigan kami. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ewan ko, ang weird.

Agad naman ako umiwas. Naubos ko yung pagkain na niluto ni mark. Grabe ang sarap.

Nakahiga na ako ngayon dito sa kama ko habang si markandun sa sofa nanunuod ng t.v. nag cecellphone lang ako.

Makapag bukas nga ng facebook. Ilang days na din ako hindi nakakapag bukas e.

Tumunog ng tumunig yubg cellphone ko dahil sa sobrang daming notification. Napatingin saakin si mark, naka simangot.

tumayo sya sa pagkakahiga. Pumunta saakin.

"Akin na yan!" Kinuha nya kasi bigla yung cellphone ko. Problema nito!

"Hindi ka pwedenh mag cellphone. Nilalagnat ka pa. Mag pahinga ka"

Nag pout nalang ako at nag cross arms habang naka higa. Sa ibang direksyon ako naka tingin pero nakikita ko sa side ng mata ko si mark.

Nakatingin lang sya saakin. Bigla syang nag smirk.

"Wag ka nga mag pout dyan! nasasabik akong ikiss dyan e!"

Bigla akong natigilan sa sinabi nya. Kinuha ko yung unan sa gilid ko sabay nag talukbong ako.

kinikilig ba ako? Ayyy ewann!!
12 na ng madaling araw pero hindi ako maka tulog. Ewan ko, maiiyak na ako e. Nakakatakot. Patay pa mandin yug ilaw.

Si mark, andun sa sofa. Natutulog na. Ayoko naman sya gisingin.

Tumulo yung luha ko bigla. Hindi ko din mapigilan na humikbi.
Biglang napatayo si mark.

"Oh? Bakit umiiyak ka?"

"ha? Wala to"

"Hindi ka maka tulog?"

"Yeah, pag nilalagnat ako. Hirap ako matulog e"

"Hmm. Gusto mo tabihan kita?"

Nag nod nalang ako. nilalamig ako kaya yung kumot naka balot sa buong katawan ko.

Nagulay nalang ako ng bigla nya akong yakapin.

"H-hoy a-a-anong g-ginagawa mo?"

"Para hindi ka na limigin. Wag ka mag alala. Mabait ako, wala akong gagawin sayo"

Hinayaan ko lang sya na yakapin ako. Hanggang sa malatulog na din ako. Iba talaga pag si mark ang nag aalaga.



Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon