Sequel 1

96 1 0
                                    

Shine's POV

"Good morning baby art!!" Sabi ko sa angel na nakalagay sa kuna. Gwapo gwapo talaga ng anak ko.

Kinuha ko sya at binuhat. Niyakap at hinalikan sa noo. Iba na talaga pakiramdam kapag isa ka ng ina. Parang dati lang... transferee lang kami ni jane pero ngayon.. may asawa na ako.. may anak na ako.. at higit sa lahat

Iba na talaga ang takbo ng buhay ko.
Pero may pumasok sa pintuan ng baby's room. Hindi ko maaninag ang muka nya
... pero ang alam ko lang.. lalaki sya. Naka hood. Matangkad at matipuno ang katawan.

Inaasahan ko na si sky ang papasok pero iba.. kinuha nya si baby art. Hindi ko maigalaw ang mga paa at kamay ko. Hindi ko sya masigawan..

Nilabas nya ng pinto ang anak kong si art.
Jusko. Hindi ito pwede

ARTTTTT---

"ARRRTTTTTTT!!"

"Shine! Shine! Gising! Ano ba nangyayari sayo? Nananaginip ka nanaman ba?" Sabi ni sky habang inaabutan ako ng tubig.

"Napanginipan ko nanaman yung anak daw natin na art ang pangalan."
Sabi ko kay sky na maiging nakikinig.

"Ilang araw mo na yan napapanaginipan ah?" Sabi nya na may bakas na pag aalala.

"Oo... at laging kinukuha saakin yung anak natin." Halos 3 weeks na sunod sunod kasi akong nananaginip tungkol doon. Paulit ulit. Nakakasawa. Nakakatakot.

"Baby girl.. hayaan mo na yan. Alam mo bisitahin mo nalang yang bestfriend mo na buntis!"

Ay sya nga pala!!! Omaygad! Excited ko ng sabihin sayo.. sainyo na....

BUNTIS NA SI JANE!

Jane's POV

5 months after sky and shine's wedding. Nag propose saakin si mark.
Sobrang saya ko nung time na yun...
Pero mukang mas masaya ako ngayon. Dahil today.. sasabihin ko na kay ate cindy at mama na buntis ako!

"O anak. Ano ba yang mahalaga mong sasabihin at sinama mo pa si mark? Alam mo namang busy yan sa trabaho lalo na't CEO na sya." Sabi ni mama na hindi makapag hintay.

Andito na si shine,sky, mark, ate cindy, Lorene, blake,zayen.

"Ahmm.. BUNTIS NA AKO!" Sigaw ko sa kanila.. si zayen at lorene nag takip pa daw ng tenga.

Si mama naman naka nganga at ang laki ng mata si ate parang lumutang yung utak na hindi pa ma process yung sinabi ko. Si shine at sky naman naka ngiti ng sobrang laki. Si blake naman di makapaniwala at napanganga din.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" Tili ni mama... at dahil dito lahat kami napa takip ng tenga!

"OMAYGHAD! Omayghad! MAGIGING LOLA NA AKO! Ahhhhhh!" sabi nya-- mali sigaw pala. Di ko alam kung pagsisisihan ko na sinabi ko o hindi e. Sakit sa tenga e. Kabasag eardrums.

"Ma.. ma.. easy. Wala pangang 1 week e. Kahapon lang ako ng pregnacy test at may dalawang guhit." Sabi ko.

"Anong pangalan nung baby mo?" Sabi ni mama with sparkling eyes.

"Ma naman. Wala pa ngang 1 week pangalan agad?" Sabi ni ate cindy. Na ngayon palang parang gustong gusto na nya buhatin.

Kahit ako e.. i cant wait to see this beautiful angel in my stomach. Baby.. kapit lang ah? Promise kakain bg madami si mommy para mabusog ka ah?

"Buti ka pa.. dream come true na. Ako walang come true hanggang dream lang." Sabi naman ni shine.

Hanggang ngayon napapanaginipan nya parin? Tsk. Tsk. Pero ok na yun kesa naman mapanaginipan nya yung nangyari sa kanya noon.

"Dadating din yan.. malay mo.. sabay pa tayo manganak diba?" Biro ko. Napangiti naman sya doon.

"Sana nga.. at sana pag napanganak ko na sya... walang kumuha sa kanya." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Anong kumuha?" Sabi ni lorene na takang taka din.

"Kasi sa lahat ng panaginip ko.. lagi syang kinukuha saakin" sabi nya..

"Hay nako! Tama na yan.. tara kumain na tayo! At panaginip lang yan ok? Walang ibang ibig sabihin yang panaginip na yan. " sabi ni ate cindy. Wala naman kaming nagawa kaya kumain na kami at mag cecelebrate pa daw kami sabi ni mama.

Hayyst. Nanay ko talaga

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon