Shine's POV
2 buwan na akong buntis. Pero si sky nakakainis. Pano ba naman kasi aalis ng walang paalam! Sino ba naman diba ang matutuwa ng iiwan ka basta basta diba!!?
"Umalis ka na! Ayoko makita yang pag mumuka mo ang pangit pangit mo! Mamaya maging kamuka mo pa anak natin! Alis!" Sabi ko kay sky. kanina pa kasi sya sorry ng sorry.
"Ikaw naman kasi e! Kaninang umaga ang init agad ng ulo mo! Tapos pinaalis mo ako--- OO ETO NA AALIS NA.. O PALABAS NA AKO NG PINTO BABYEE!" Sabi nya.. pano kinuha ko yung tsinelas at akma ko syang babatuhin. Kaya napasigaw sya at labas ng pinto.
"Bwisit!" Sabi ko. Kinuha ko yung cellphone at dinial si jake.
Oo si jake! Si jz. Jake zander perez!
Ang gwapo talaga nya! Arg.
Naaalala nyo pa ba sya? Sya yung may-ari ng hotel sa BMM . Sya yung nasuntok ni sky na lumipad sa bangko..
Kapag nag aaway kami ni sky sya lang takbuhan ko. Ang bango bango pa naman din ni jake! Namimiss ko na sya.. kayo namimiss nyo na ba sya?'Hello? May problema ka nanaman?'
"E kasi si sky e,! Pumunta ka na dito pleaassee!!"
'Aiish. Pag nagalit sakin si sky ikaw bahala ah. Baka mag selos yun! Papa alisin mo asawa mo tapos papapuntahin mo ko"
"Eii~ hindi yan! Promise!"
'K. Fine'
"Yehhheyyy!!" Sabi ko na parang bata. Hindi ko pa alam ang gender ng magiging anak ko. Sana nga maging babae.
Sabi ni doc. Bumalik kami after 2 months.
Pero buwan buwan kami nag papacheck up..Maya maya andyan na at dumating na si jake. Binuksan ko ng mabilis ang pinto at niyakap sya .
'Ang bango bango mo talaga.. hmm.. ' sabi ko sa isip ko.
"Teka-- ano nangyari dyan sa pasa sa muka mo?" Tanong ko.
"E si sky e! Sabi ko sayo e! Sinuntok tuloy ako!" Sabi nya. Hinimas himas ko ang muka nya na may pasa malapit sa labi.
"Ouch."
"Omaygad! Mianhae (sorry) "
"Ok lang.." sabi nya.
"Nakita mo no? Andito yung asawa e!" Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Si mark. Kasama nya si..
"Hoy bakit andito ka!? Diba pinaalis kita? Doon ka n nga! " sabi ko kay sky.
"Arrfggggg! PASALAMAT KA MAHAL KITA KUNDI! ARRRGGGGGG!!" Sigaw nya.
Inirapan ko lang paglabas nya ng pinto.Nagtagal pa si jake sa bahay. Nag tatawanan kami at kumakain. Nanonood ng movie at kung ano ano.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si sky. Naka simangot lang ako."Yung sinabi ko sayo.. gawin mo na" sabi ni sky kay jake.
"Aiissh. Pupunta ako dito para paglihian ng asawa mo tapos ngayon para maging maid nyo!"
Padabog na tumayo si jake sa upuan."Ano ba yung inutos mo?" Tanong ko sa pangit na lalaki na andito.
"Linisin nya buong bahay" nagulat ako ng bigla nyang sabihin yun.
"Abnormal ka ba! Sinuntok mo na nga pinaglinis mo pa!"
Sabi ko sa kanya ginagaya nya lahat ng sinasabi ko pero walang boses.
"Bwist!" Sigaw ko sabay pinagpatuloy ang panunod ng t.v
Nag ma-map si jake at si sky naka tayo lang sa may pader. si mark naman naka upo lang sa tabi ko.
Pawis na pawis si jake dahil tapos na sya.Hinubad nya yung polo nya at ako naman nakatingin habang kinikilig
Lumapit at tumingin sakin si mark.
Wala akong paki basta makita ko lang yung ... alam mo na."Tignan mo asawa mo" sabi nya sakin.
Nanatili akong nakatingin kay jake."Ayoko.. pangit yun e!"
"Nako.. sasabog naa"
Bigla nga ako napatingin kay sky at boom! Nakatingin sya kay jake ng sobrang sama."Hoy! Wag ka nga dyan mag hubad! Doon ka sa cr! Leche!" Sabi nya.
Ano ba yan! Ang ganda ganda ng view e! Pahamak tong pangit na kumag na to."KJ MO!" Sabi ko sabay umakyat na ako sa kwarto.
Gusto ng pumatak ng luha ko dahil kay sky. This past few days lagi na akong naasar sa kanya ewan ko. Usang kumukulo yung dugo ko. Sabi naman.ni jane sya daw ang napag lilihian ko.
"Lagi nalang hindi pwede lahat ng gusto ko. Nakakainis ka sky! Pangit pangit mo e! Bwisit ka!" Sabi ko sa unan na ginagamit ni sky.
Hindi ko namalay kakaiyak ko.. nakatulog ako..
^~~~~~~~~~~^^~~~~~~^~~~^~~^^
2 am
Nagising ako dahil nagugutom ako... gusto ko ng Kamias.
Nakita ko si sky sa gilid ko na ang himbing ng tulog."Hoy!" Kinalabit ko si sky ng malakas.
"Bakit baby?" Sabi nya at aantok antok pa.
"Nagugutom ako" sabi ko ng paiyak na. Napaupo si sky at hinawakan ang kamay ko. Medyo papikit pikit pa. Hihihi ang cute nya ^---^ pero mas cute si jake.
"Ano bang gusto mo?" Sabi nya habanh hawak ang pisngi ko.
"Gusto ko ng kamias" sabi ko habang naka tungo.
"ANO? Nababaliw ka na ba? Wala Nun ngayon at shine naman madaling araw palang.." sabi nya
"*sob* e gusto ko lang *sniff* naman kumain nun *sob*" umiyak ako ng tuluyan at nagulat sya sa asal ko.
Napasinghap nalang sya sabay niyakap nya ako at hinalikan sa noo."Shushh.. tahan na. Sige na mag hahanap na ako non ok? Tahan na baby.. makakasama yan kay baby natin .." at dahil sa sinabi nyang yun naging maaliwalas ang muka.
"Talaga bibili ka? Yeheeyy!! Bilisan mo ah?" Sabi ko. Tumango naman sya at tumayo para mag ayos sandali.
Hinalikan nya ako bago sya umalis. Hinatid ko sya gamit ang mata ko at nanatiling naka upo
BINABASA MO ANG
Sweet Badboys
General FictionShine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't accept it from her own family. Her life was a mess. Just like a strom, full of dark clouds and heav...