Someone's POV
Humanda ka shine! simula palang yan.
"Itutuloy mo pa ba yan?!" Sabi nya saakin. Habang sinisindihan nya yung sigarilyo nya.
"Oo, at wala akong balak na ihinto 'to. Dahil sa kanya, nagulo ang buhay ko!!"
Oras na shine, para ipaglaban ko ang sarili ko! Dumating ka lang sa buhay namin! Nag kagulo na kami! Pero sabagay.. Sabay nga pala tayo.. Huh...
Sky's POV
Andito kami ngayon sa ospital. Sila mark, nauna na pumunta sa BMM (bundok ng maria makiling)
Ako, si jane, at si shine ang naiwan. Kahit dalawa kami ngayon ni jane dito sa kwarto, hindi kami nagkikibuan. Parang hangin lang kami sa isa't isa.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko, kahit galit ako sa kanya. Alam kong kapatid ko parin sila ni cyndee pero hindi ko maiwasan mag alala. Syempre..
"Oo ku-- pr-prince"
Alam ko din na gustong gusto nya ako tawaging kuya. Naikwento nya saakin noon na gusto nya mag ka kuya.
Umupo ako sa sofa, kung nasaan sya at iniwan ko muna si shine sa kama.
"Alam mo, kahit na.. malaki ang galit ko sayo, sainyo ni cyndee. Bakit hindi ko maiwasan na mag alala!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang daming tanong sa isip ko na gusto ko masagot. Paano nagawa ni dad yun? Paano nya kami napagtaksilan? Bakit sya namatay?
"Prince, alam ko yun. Ako din e *sob gusto kita tawaging kuya. Hindi naman talaga kami anak ng dad mo. Diba sabi ko sa noon *sob magkaibigan si mom at dad mo. namatay ang tunay naming daddy. Gusto lang naman *sob ng dad mo, maranasan namin ang pagmamahal ng isang ama. Kaso , akala mo at ng mom mo na nagtataksil sya. Pero hindi, ikaw , ikaw lang ang nagiisang anak ng dad mo. Lagi ka nga nyang kinukwento saamin. At yung sinabi ni ate cyndee noon na ikaw yung anak ng kaibigan nya. akala ni ate cyndee ikaw si mark. Magkamukha kasi kayo. .
Mahal na mahal ka ng dad mo.Eto..(may inabot na papel) bago sya mamatay, sabi nya ibigay ko sayo 'to. Kahit kelan, walang araw na nasa bulsa ko yan. Ipinangako ko kay dad na ibibigay ko sayo yan."
Nabigla ako sa sinabi nya. Mas lalo akong nagsisisi sa mga nangyari.
Ang tanga ko! Ang gago ko! Ang tanga tanga ko!!!
habang unti unting tumutulo ang mga luha galing sa mata ko binuksan ko yung sulat.
Nalaglag yung isang kwintas
Kinuha ko yun , heart? Heart ang shape nya. At halata mong matagal na.. Hindi nangungupas pero mararamdaman mong matagal na.
Binuksan ko yun. mas lalo akong naiyak dahil picture namin ni dad ang naka lagay. Sa kanan ay ako at sa kaliwa si dad at ako.
"Bago sya mamatay, hawak nya yan. At hinalikan nya."
Dinudurog ng unti unti ang puso ko. dad, sorry.
Binasa ko ang sulat.
To my dearest son,
Hi anak! Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko. Alam ko din na naipaliwanag na sayo ni jane ang totoo, anak kahit wala na ako. Always remember that i will always love you. You and your mother. you are my only one son. Yang kwintas, isuot mo palagi yan ah. May baon yang halik. Lagi mong tatandaan, kapag dumating na ang babae na para sayo.. wag na wag mo syang sasaktan. Siguro oras ko na talaga. Walang pinipiling oras at araw ang kamatayan, at kapag dumating yun. Wala na tayong magagawa pa.
Anak sorry ha? Mahal na mahal ka ng daddy. Alam mo ba walang araw na hindi ako umiuyak, miss na miss na miss na miss ko na kayo. Lalong lalo na ikaw. Sana ngayon na sho-shoot mo na yung bola sa ring... noon kasi hindi mo mashoot e. Wag kang iiyak ah, nakakabakla yan. Ngayong wala na ako,isa lang ang pakiusap ko sayo.
BINABASA MO ANG
Sweet Badboys
Aktuelle LiteraturShine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't accept it from her own family. Her life was a mess. Just like a strom, full of dark clouds and heav...