A/N: NOTE:
Future scene is here... To let you now that being stuck started with Lucas and Maya was also stuck in several complicated things in here life...hope you see how they were stuck...
Na-stuck si Maya sa alaala ni Lucas...hindi siya nawala sa puso't isipan nito ni minsan sa kanyang buhay. Pero sa kabilang banda, na-stuck si Tasha kay Lucas sa pag-asang mapapansin na siya ng binata lalo pa't wala na si Maya. Halata kasi niyang pareho nilang gusto ang isa't isa pero hindi pa iyon ang tamang pagkakataon para sa kanila....
Samantala, na-stuck sa alaala ni Maya ang biglaang pagkamatay ng kanyang ama at ang pagpasan niya ng responsibilidad para sa kanyang pamilya. Kailangan niyang samantalahin na tinatangkilik siya ng maraming tao dahil maganda ang kanyang boses, magaling siyang sumayaw at ang talentong iyon ang mag-aangat sa kanilang mag-ina sa buhay na maginhawa at marangya.
LUCAS' POV
And after 15 years...all of a sudden, isang umaga narinig ko na lang na pumapailanlang sa ere ang mga linyang iyon...Hindi ko maiwasang maalala si Maya. Napakalayo ng agwat ng aming mundo, nasa magkabilang dulo. Hindi kami magpapang-abot... lahat ng opposite nasa amin na. South siya, North ako. Kung west siya, east naman ako. Kung langit siya, lupa ako. Lahat ng kabalintunaan sa mundo, nasa aming pareho. Naisip ko tuloy, sana magnet na lang kami para opposite attract each other. Kami lang ang great opposite na walang attraction na magaganap dahil isa iyong malaking kahangalan... isang pangarap na mahirap abutin.
Napakaganda ng kanta niya. Angganda ng boses lalo na ang linya ng bawat kanta. Feel na feel niya itong kantahin. Pag pinagsama mo na ang isang makahulugang kanta kasama ang kanyang sweet and angelic voice, panalo talaga! "SILENTLY, QUIETLY HOPING YOU'LL END UP WITH ME" I really wish that to happen, pero may tamang panahon pa ba para sa amin ni Maya?
Matagal na pala itong umiere sa mga istasyon ng radio at maging ilang mga local artist ay kinakanta na rin ito. Masyado akong busy lately. Ni magbukas ng media o makinig ng kanta ay hindi ko nagawa. Wala lang, bigla ko lang naisip buksan ang FM Station ng radio ko at bigla kitang naalala, Maya. Bigla kong narinig ang mga linyang iyon... and I was like what the hell!? What's that song! Sino ang kumakanta? Tula ko iyon ah!
Biglang binanggit ng dj ang screen name mo, bigla kong nahampas ang manibela. Si Maya ang kumanta. Iyan na ba ang tulang ibinigay ko sa iyo? Kinakanta mo na para sa akin? Ginawa mo palang kanta. And that's the reason why I gave that to you.
Tulad ng kantang iyon, mahal kita pero ayokong umasa... Gusto kong umasa pero paano ? At sa bandang huli, UMASA TALAGA AKO... Hindi ko pa nga nasasabi sa iyo kaya siguro ganito ako ka-dumbfool.... Napakatagal na panahon na nakulong ako sa pag-asang mamahalin mo rin pero hindi ko pa nga nasasabi eh, gustong gusto ko ng sabihin para malaman ko kung may pag-asa ba ako, may pag-asa bang maging tayo...
Maya, nasaan ka na?
May sasabihin ako sa iyo....
Mahal kita...
Mahal na mahal na kita...
At hindi kita kayang kalimutan.
Hindi noon...
Hindi rin ngayon...
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?