MAYA'S POV
He was just literally a boy next our neighborhood. Tulad ng batang madalas mong makita sa kalye... tahimik kasi ang kalye sa aming subdibisyon at mangilan-ngilang batang lalaki lang ang lumalabas para maglaro. Minsan sa tapat pa ng bahay namin. Minsan masusulyapan ko na lang si Tasha na nakikipagkuwentuhan sa kanila bago pa niya ako lapitan, at bago siya tuluyang makapasok sa aming bakuran.
Tuwing may pasok, mga naka-school service sila. Nagkakagulo sa loob ng sasakyan pero mananahimik si Lucas at sa bintana na sasakyan nakasulyap tuwing sa bakuran namin mapapadaan ang sasakyan. Hindi lang niya ako nakikita dahil nasa loob ako ng bahay at namimintana. Hinihintay ko din ang pagdaan niya. Nami-miss ko din siya kapag hindi ko man lang siya nakita sa umaga.
I don't go to school. I just do home schooling dahil anytime soon ay aalis kami patungong ibang bansa. Palagi lang ako sa bahay, kung wala pa ang teacher ko, palagi lang ako sa harap ng piano para mag-ensayo o kaya naman ay nagre-rehearse ng mga kanta, nagmi-memorize ng lyrics, tapos kakanta ulit.
I am Maria Aya Chang Cornejo. Everybody calls me Maya for short.
Palagi ako sa loob ng bahay. Simula ng mamatay si Papa, mas gusto kong nasa loob lang ng bahay. Ayokong lumabas na para bang nagtatampo ako sa mundo. Si Papa kasi ang palgi kong kasama sa labas. Sa tuwing lalabas ako ng bakuran, parang nakikita kong nakikipaghabulan pa sa akin si Papa. Lalo ko siyang mami-miss tapos pagagalitan naman ako ni Mama tuwing umiiyak ako. Kasi ang totoo, iiyak din siya. Nahahawa siya sa iyak ko. Mababaw daw kasi ang luha niya.
Anong magagawa ko?
Pero noong makita ko ang batang iyon... Noong makita kong makita siya at pilyo... Inaasar niya ako sa malayo, nakita ko ang ugali ni Papa sa kanya. Mpaang-asar din kasi si Papa, makulit pero tahimik at sweet na tatay.
Mmm, ano kaya ang pangalan ng batang lalaki na iyon?
"Lucas! Lucas!" Dinig kong sigaw ni Tasha... Ah, okay...Lucas pala ang pangalan niya. That's the day when my loneliness started to fade away. Hindi na ako kuntento noong namimintana lang sa umaga. pagkaminsan, lumalabas na ako para makita ko siya.
Pa-cute lang...
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?