A/N: Wala nang lalawak pa sa imahinasyon... Puwede mong marating ang hinaharap. Puwede mong abutin ang mga pangarap na hindi mo sigurado kung mangyayari ba... Higit sa lahat, simple lang... masarap mangarap na kasama ang taong mahal mo kahit ikaw lang ang nagwi-wish na lahat ng iyon ay magkatotoo.
LUCAS' POV
Angsaya ko ng mahawakan ko ang kamay ni Maya sa unang pagkakataon. Masaya akong tinitigan ang kanyang mukha ng malapitan habang kumakain kami ng ice cream. Doon ko naintindihan ang pakiramdam ng first crush. Sana nga hindi na matapos ang mga sandaling magkasama kami ng araw na iyon.
"Hindi ba bawal sa iyo ang ice cream?"
"Bawal.." Kukunin ko sana pero hindi niya ibinigay sa akin.
"Hmm, angdaya naman. Naibigay mo na sa akin tapos babawiin mo pa. Tsaka nabawasan ko na eh." Nakakaawa naman ang hitsura niya. Matapos takamin sa pagkain bakit ko nga ba naman babawiin sa kanya.
"Kaya lang baka sumakit ang lalamunan mo. Mapagalitan ka ni Mrs. Cornejo..." Pero wala siyang pakialam. Minadali niya ang pagkain nito atsaka inabot sa akin ang walang lamang lagayan ng Cornetto...
"Oh, heto... gusto mo pa ba?" Aanhin ko ang walang lamang lagayan na iyon.
"Anong gagawin ko dyan?"
"Akala ko ba kukunin mo...Heto, sa iyo na..."
"Matapos mong ubusin... Bahala ka kapag sumakit ang lalamunan mo, huwag mo akong sisisihin." Tumango siya at ngumiti. Si Maya talaga...
Sana marami pang pagkakataon na magkasama kami ng ganito. Hindi lang pagkain ng ice cream ang gagawin namin. Tuturuan ko siyang magbisikleta para sabay kaming magbibisikleta sa buong subdivision. Mamamasyal kami sa park at magkukuwentuhan hanggang tawagin siya ng kanyang mama. Yayayain ko siya sa Club House para mag-swimming . Masaya iyon kahit kasama si Tasha, ang mahalaga mag-i-enjoy kaming tatlo. Sana nga...
O di kaya ay mag-jo-jogging kami. Hihintayin ko siya ng madaling araw sa bakuran nila at sabay kaming magjo-jogging.
Madami kaming puwedeng gawin kung sana nga lang ay nandito siya at hindi umalis.
Nakatayo ako sa building na iyon. Katabi ng Recording Studio ko ang Studio ni Apollo Ohanko na isang freelance Photographer. Doon ako nakakuha ng dalawang unit na puwede kong gawing recording studio. Maliit na espasyo sa pasimula pero alam kong makakahanap din ako nang mas malaking lugar kapag naka-survive ako ng dalawang taon.
Wish ko lang , sana... makita ito ni Maya at makakanta siya dito. I'd be glad to accommodate her here.
Pagpasok ko ng studio, nandoon na si Tasha. May music recording sila sa KSGN Artist. Nandoon si Mitchiko Minagi. Isa sa mga magagaling na artista mula KSGN Artist Center. Hindi lang pag-arte ang kaya niyang gawin. Maganda rin ang boses niya. Nagkataon na noong mga oras na iyon ay nasa loob siya ng music room.... sinasampulan ang kanyang boses at "Stuck ' pa talaga ang kinanta niya.
Maganda ang kanyang rendition. Feel na feel din niyang kantahin.
Kahit sino ngayon, relate na relate sa kanta. Siguro, all of us have past na minsan hindi natin napapansin... na-stuck na pala tayo doon. Kahit sabihin natin na naka-move on na tayo pero we are in the stage of denial. Hindi natin kayang aminin. Minsan, sa tagal ng panahon nandoon pa rin pala ang nakatagong damdamin na hindi natin kayang i-let go. Hindi naman natin puwedeng sabihin na hindi tayo naka-move on...matagal na proseso nga lang talaga. It will take sometime at kailangan nating magtiyaga. "Yung sometime na sinasabi natin, inabot na pala ng one century old ( higit sampung taon na...)
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?