THE TRAP

13 0 0
                                    

MAYA'S POV



Hindi ko alam kung paano ko natanggap ang video na iyon. Sa sobrang kalungkutan at kawalang pag-asa, iniyakan ko ang simpleng hindi namin pagkikita ni Lucas. Umasa talaga ako. Iyon ang pinakahihintay ko sa lahat. Kahit man lang sana saglit lang. Kung magiging katulad lang din iyon ng dati na hanggang sulyap lang sa malayo, matatanggap ko pa sana pero bakit naman hindi siya nagpakita? May nagawa ba akong masama? Ginusto ko bang umalis na hindi nagpapaalam sa kanya? Gusto ko bang tingnan lang siya sa malayo habang papalayo ang kotse namin at ang school service niya?



Hindi ako makapaniwala.... Tumulo ang luha ko... Kahit walang audio. Isang amateur video... Parang Indie Film lang ang dating.



Nakangiting pumasok si Tasha sa isang opisina. Hinalikan niya si Lucas sa pisngi. Hinawakan niya ang kahon na iyon. Iniisip ko kung ano ang laman ng kahon na iyon.



"Dyan nababagay ang mga iyan. Atlast, gising ka na rin." Dinig kong sabi ni Tasha. Niyakap niya ng mahigpit si Lucas. "Mahal na mahal kita, Lucas. I am willing to take you. To love you. Puwede tayong magsimula ngayon. " Napailing ako. Hindi ko halos malunok pati laway ko, biglang nanuyo ang lalamunan ko.



Naiyak ako kay Tasha. All this time, Tasha has been unfair in dealing with me. Matagal na niyang gusto si Lucas? Tamang hindi ko na lakasan ang volume. Lalo akong masasaktan kapag narinig ko ang mga salita ni Tasha.



Natahimik ako ng yakapin niya si Lucas at hinawakan niya ang magkabilang pisngi g mahal ko at hinayaan ni Lucas na magdikit ang kanilang mga labi. Hindi ko kinaya ang nakita ko kaya isinara mong bigla ang aking laptop at lalo akong humagulgol sa iyak.



"Maya, what's wrong? " Nagulat ako. Nakasubsob pa naman ako sa mesa. Galit ako kay Tasha. Pinahid ko kaagad ang luha ko.


"Nothing , Mama. I was just carried away. I am watching a K-drama..." Nagkaila na lang ako kay Mama kaysan naman sabihin ko ang totoo at pagtawanan niya ako. Sasabihin na naman niyang walang kuwenta ang nararamdamamn ko and that they are all child thing. Hindi naman play thing ang nararamdaman ko para kay Lucas. Kailan ba naging play thing ang LOVE?



Walang hiya siya. Hinayaan niyang halikan siya ni Tasha. Gusto ba niya ang halik ng pinsan ko? Bruha rin itong si Tasha eh. Hindi man lang nahiya sa balat niya. Siya pa talaga ang umasta na patay na patay siya kay Lucas, sa aking Lucas. Naku, humanda ka sa akin, Tasha. Kaya pala... busy... busy... iyon ang palagi niyang sinasabi sa akin tapos, heto... may video silang dalawa. Mukhang nananadya pa ha! Ito pala ang ibig sabihin niya na busy sila. Busy siyang akitin si Lucas. At itong si Lucas, busy rin na magpadala sa kalokohan ng pinsan kong... ewan...



OO, talagang nakakagalit at napaiyak ako sa sobrang galit. Tama nga ang hinala ko. How could I deny it? How could I not trust my instinct? Eh talagang kapag instinct ng babae ang gumana, tiyak 'yon.



"Celeste, get me a plane ticket to Manila... NOW!"



Yes, I took my back and ready to see Tasha. Magtutuos kaming dalawa. At balak ko na ring tapusin ang ilusyon ko kay Lucas.



Kung kailangan kong magsimulang muli kahit sa edad kong ito, walang problema... hindi pa naman ako mahuhuli sa biyahe. Ipagpapalit ko siya sa mga Kano. Mga pogi din naman sila at love na love nila ang mga Pinay. Si Mama nga eh nililigawan din ng kano. At sa edad niya ngayon ay may boyfriend na ulit siya. Well, hindi ko na siya pinigilan dahil may pangangailangan siya na hindi ko maibibigay. Hindi ko siya pipigilan dahil ayokong maglihim siya sa akin at makipag-date ng di ko nalalaman.



Nagsabi naman si Mama. Okay lang sa akin. Per okay Lucas... ang tungkol kay Lucas... Hindi ko masabi dahil...ang totoo, hindi ko alam ang tunay naming estado. Wala kaming usapan. Wala kaming relasyon.



Baka akala naming pareho, mayroon pero wala...wala...wala...

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon