MAYA'S POV
Ano na lang ang sasabihin ni Lucas kapag nakita niya ang interview na iyon? Baka isipin niya na liberated na rin akong babae at madali akong naimpluwensiyahan ng kultura nila? Hanggang sa van ay nadala ko ang inis ko. Hindi ako umimik sa loob at kahit magtulug-tulugan ako...hindi ko magawang makatulog.
Nawala ako sa mood hanggang sa pag-uwi ko. Malamang , napanuod din iyon ni Mama kasi live interview iyon. Grrrr! Nakakagigil talaga ang hinayupak na iyon.
"Anong nangyari?" Bungad ni Mama sa pinto.
" Naku, Tita Ophel... ang anak mo inambush ng halik ni Troy...."
"Nakita ko nga...Kayo ba?" Iyon talaga ang itatanong ni Mama. Pero hindi ko siya inimikan kasi naiinis lang ako kapag naaalala ko ang ginawa niya. Natigilan sila sa loob ng may biglang kumatok sa pinto na akala mo ay may raid.
"Maya! Mayaaa! Open the door..." Natural pagbubuksan talaga siya ng pinto. Hangos siiyang pumasok at si Mama ang humarap sa kanya. Dinig ko ang usapan nila. Kay Lucas ako mas nag-aalala. Wala akong pakialam sa kanya. Natatakot ba siya na hindi bumenta ang album niya. Bakit pati ako?
"Maya, listen to me..."
"GO TO HELL! YOU BASTARD!" Nasabi ko lang iyon sa sobrang galit ko. Hindi ako tinuruan ni Mama na magsalita ng ganoong mga salita kahit kakaiba talaga ang bibig ng mga Amerikanong ito. Akala kasi nila puwede nilang paglaruan ang mga Pilipinang katulad ko. Hindi ko lang kasi siya pinapatulan sa studio kapag nagkakasalubong kami. Kahit nga sa mga party na dinadaluhan ko, off-limits akong sumama sa mga kasiyahan nila dahil may simpleng pot session sila. Hindi ako basta-basta umaalis ng hindi ko kasama ang P.A. ko kahit sa loob ng banyo.
Minsan, nagpapakita lang ako doon. Iinom ng isang bote ng champagne atsaka aalis. Konting kuwentuhan, kumustahan...tapos.
"I love you, Maya. You just don't give me a chance to show you how serious I am.." Sige, isigaw mo pa. Kung hindi lang masamang ibato ang flower vase sa mukha niya, kanina pang kumukulo ang dugo ko sa pinagsasabi niya. Ibinato ko nga pero mabuti at walang nagtangkang magbukas ng pinto sa kuwarto ko at tiyak na sasapulin siya nito sa mukha.
"GET LOST!"
"Maya..."Kinabog niya ang pinto ko. Bakit kasi ayaw pa niyang umalis? Nagmatigas ako hanggang sa hindi ko na narinig ang boses niya.
"Maya, Maya, si Mama ito. Papasok lang ako iha!" Mukhang pati si Mama ay natakot na baka may sumalubong sa kanya na lumilipad na bagay.
"Pasok lang po , Mama..."
Masinsinan kaming nag-usap ni Mama. Umiiyak ako dahil nabastos ako sa show ni Helen. Hindi na ako nakauspa ni Helen pag-alis ko. Dali-dali akong umalis sa set. Lumabas kaagad ako ng studio at pati ang mga P.A. ko ay nataranta at hinabol ako matapos nilang kunin ang lahat ng aming gamit sa kuwartong iyon.
"Tahan na..."
"Ang bad po niya..."
"Hmm, baka naman si Lucas pa rin ang dahilan kumbakit ka nagkakaganyan?"
"Mama kasi..."
"Tahan na...Ano bang nakita mo kay Lucas?"
Usual questions from a mother... Anong nakita mo sa kanya?... Eh hindi naman lahat ng bagay ay may paliwanag. Hindi lahat ng nakikita ay naipaliliwanag at may katumbas na salita? Iba-iba kasi tayo ng tingin. Kahit paano ko pa ipaliwanag , tanging puso ko lang ang higit na nakauunawa sa pagmamahal k okay Lucas.
BINABASA MO ANG
STUCK
JugendliteraturMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?