SILLY WISH

10 0 0
                                    

AUTHOR'S NOTE



Nasa magkabilang mundo sina Maya at Lucas ng hilingin nila na sila ay makabalik sa nakaraan. At ang pangyayaring iyon ang dahilan upang mag-alab muli ang puso ni Kupido. Ginising nito ang kamalayan ng diyos ng pag-ibig na halos isangdaang taon na ring nahihimbing. Ngayon lang siya muling gigising dahil sa pambihirang lakas ng enerhiyang nasasagap niya mula sa dalawang pusong nagmamahalan sa kabila ng distansya sa mundong ito.



Samantala, ang future nina Maya at Lucas ay handa na.



Si Maya ay kasalukuyang nasa rehearsal ng kanyang huling concert sa Japan. Si Lucas ay nasa Japan na rin ng mga oras na iyon. Parehong humihiling sa tadhana na ang kasalukuyan ay ipagkaloob na sa kanila. Ngunit sa kabila noon, may pumipigil pa rin kay Lucas.



Hindi niya mapaniwalaan ang biglang pagbabago ng mga pangyayari. Sa kabilang banda, ang puso ni Maya ay nananatiling nagtitiwala sa kakayahan ng puso ni Lucas na umibig ng wagas sa kabila ng lahat. Umaasa siya na sa bandang huli, maniniwala si Lucas na ang lahat ng nangyayari ay totoo...



Magtitiwala pa ba si Lucas sa pag-ibig?



Madiskubre kaya niya na siya lang ang susi sa matinding mahika ng pag-ibig na puwedeng mangyari sa isang iglap. Isang mahika na hindi magmumula sa isang fairy godmother kundi mula sa puso... sa pag-ibig nilang dalawa ni Maya.



Ang pagtitiwala niya sa pag-ibig ang magiging susi upang maging permanente na ang lahat nang mangyayari sa hinaharap kapag nagsimulang magbago ang nakaraang kanilang susubukang balikan.



Kailangan niyang makapagdesisyon bago matapos ang oras na itinakda ng time machine...



MAYA'S POV


Sa panahong ito, uso pa ba ang mga FairyGod Mother na magbibigay katuparan sa pareho naming kahilingan? Napaiyak akong muli. Kung totoo sana lahat ng mga Walt Disney na pinagbidahan ko, magiging maligaya sana kami ni Lucas sa bandang huli. Buti pa ang mga kuwentong iyon, palaging may happy ending.


Madaling araw....


1:43am


Anong magagawa ng oras? Lucas and I are running out of time. Kung puwede ko lang ihinto at bumalik sa nakaraan...



Kringgggggggggg..... Tumunog ang aking cellphone. Unregistered number. Kanino kaya ito?


Dab-dab-dab-dab...Bumilis ang tibok ng aking puso.


Dab-dab-dab-dab...Lalo akong kinabahan ng tanggapin ko ang tawag....


"Hello!" Si Lucas ang nasa linya..


"Lucas"


"Lucas.... I love you, Lucas...." Iyon sana ang gustong gusto kong sabihin kay Lucas...Bigla akong napipi sa kabilang linya.



LUCAS' POV


Siya lang ang iniisip ko ng mga oras na iyon...Nasa rooftop ko ng Fukujima Hotel... Oras: eksaktong 1:43AM ng madaling araw sa aking orasan...Wala akong ibang nasa isip kundi ang araw na nagkahiwalay kami. Hindi kami parehong magkakaganito kung .....


Kringgggggggggg..... Tumunog ang aking cellphone.


Dab-dab-dab-dab...Bumilis ang tibok ng aking puso.


Dab-dab-dab-dab...Lalo akong kinabahan ng titigan ko ang screen nito... Si Maya ang nasa linya..


"Lucas"


"Maya.... I love you, Maya...." Iyon sana ang gustong gusto kong sabihin kay Maya...Bigla akong napipi sa kabilang linya.

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon