3RD PERSON'S POV
MT. OLYMPUS
1:43
Dumating ang isang napakapambihirang pagkakataon sa dalawang taong nagmamahalan upang pagbigyan ang kahilingan nang kanilang mga puso. Minsan lang itong mangyari sa loob ng 100 taon, kung saan ang natutulog na anak ng Diyosa ng Pag- ibig na si Aphrodite ay muling gigising upang bigyang katuparan ang mapalad na pares sa bilyong taong naninirahan sa daigdig. Muling nagliwanag ang munting pana ni Kupido.
Tumunog ang kanyang puso , dab-dab –dab... ang tibok na matagal nang di nariring ng mga tengang iyon. Muling ngumiti ang binata, nag-alab ang kanyang puso tulad ng kapangyarihang kaloob sa kanya bilang isang nilalang na nagpapanatili ng pag-ibig sa mga mortal.
Ngunit ang pagkakaloob niya sa kahilingan ay umaakma din sa panahon. Hindi na pana ang kanyang ginagamit kundi isang time machine. Gagana lamang iyon sa mga taong tunay na nagmamahalan. Pagmamahal na tutugma sa iisang oras, iisang lugar , iisang pagkakataon at iisang tao na nakatadhana sa taong humihiling.
Ito ang pinakakritikal na pagkakataon para kay Maya at kay Lucas. Nasa magkabilang dulo sila ng mundo habang naiisip ang pagsuko, kitang kita ni Kupido kung paano sila pag-alabin ng tunay nilang damdamin para sa isa't isa sa kabila ng agam-agam. Hindi tuloy ngayon malaman ni Kupido kung malulungkot siya para sa dalawa.
Pero sa bandang huli, napangiti siya. Hindi siya maaaring magkamali. Kapag puso ang sinunod, tiyak niyang magtatagpo ang dalawa.
"Kung talagang mahal ninyo ang isa't isa, walang makakahadlang sa tunay ninyong tadhana..." Umalis siya . Alam na niya ang mangyayari sa dalawa.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?