TIME TRAVEL: FIRST STOP TO CHILDHOOD

14 0 0
                                    

Do you remember how it felt like?
I still remember how the days that end, the weeks and months
we were together for so long
I haven't noticed, that we're falling down too fast


LUCAS' POV



Matapos kung pumasok sa tila kahon na iyon, nakiramdam ako kung anong mangyayari. Tumunog ang tila bombang sasabog at ipinikit ko ang aking mga mata. Inisip ko na kumbakit ako naroroon at kung katapusan ko na ng oras na iyon ay malugod kong tatanggapin ang aking kapalaran.



Saglit lang at huminto ang tunog. Pakiramdam ko naman ay nandoon pa rin ako sa lugar na iyon. Hindi naman ako lumipad o nagtransport sa ibang dimensyon. Iminulat ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung paano nangyari pero sa isang iglap... Nakita ko na lang ang sarili ko sa lugar na iyon.



Nakita ko ang sarili ko nang umagang iyon, papasakay na ako ng school service. Papalabas na rin ang kotse nina Maya kasama si Mrs. Cornejo. Nakita kong lumabas si Maya sa kotse at tila ba sumisigaw habang nakatingin sa akin...



"Kuya Godo, puwede pong pahinto saglit ng sasakyan?"


"Ano ka ba, Lucas? Mali-late na kayo?"


"Kuya, natatae ako. Baka bumaho dito sa loob." Nataranta tuloy si Kuya Godo pero kunwari ko lang iyon.



Patakbo kaming lumapit sa isa't isa, nasa tapat kami ng malaking puno ng eucalyptus, biglang lumakas ang hangin at dinig na dinig ko ang pagaspas ng mga dahon nito. Nagbagsakan pa ang mga tuyong dahon.



Huminto kami sa gitna ng daan...



Umiiyak si Maya.


"Lucas..."


"Maya..."


"Aalis na kami..." Dinig kong sumigaw ang kanyang mama. "Lucas, kalilimutan mo ba ako?" Tanong niya sa akin.


"Maya..."


"Hintayin mo ako. Babalikan kita. Kahit anong mangyari, huwag na huwag mo akong tatanggalin dito..." Itinuro niya ang aking sentido..." Huwag na huwag din dito..."At idiniin niya ang aking dibdib.


Nanginginig ako. Pabagsak na aking luha at tuluyang dumaloy ang manipis na guhit ng tubig sa aking mga mata.


"Sabi ko babalikan kita. Hindi naman kita iiwan di ba?"


"Maya...." Kung ano na lang ang naiisip ko. Niyakap ko ng mahigpit si Maya. Nanginginig ang aking buong katawan. Noon lang kami nagkausap ni Maya. "Salamat..." Nausal ko sa aking sarili.



Sa mga salitang narinig ko mula kay Maya ay kontento na ako. Kung nagbalik nga ako sa panahon ng aming kabataan, masaya akong babalik sa kasalukuyan. Wala na akong pagsisisihan.


Para sa akin, iyon ang pinakamahalaga sa lahat...Pagbalik ko sa kasalukuyan, puwede na kaong mag-moved on.

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon