I WAS WRONG ALL ALONG

10 0 0
                                    


MAYA'S POV



Pumayag na si Mama na umuwi ako ng Pilipinas basta tapusin ko lang muna ang trabaho ko dito sa Amerika. Sia na daw ang bahalang makipag-usap sa Walt Disney. Isang linggo lang naman daw eh. talagang bakante ang schedule ko na iyon. Siguraduhin ko lang na bababalik kaagad ako.



Sa studio ni Helen, maaga akong dumating. Hindi ko naging ugali na ma-late sa mga interview sa kahit na anong shows. Isang oras akong mas maaga dahil okay lang na maghintay ako basta't hindi sila ang maghihintay sa akin.



Nainis ako sa sobrang feelingero nitong si Troy. Simula nang makilala ko siya at magkaroon kami ng break na magkasama sa isang concert, masyado na siyang assuming na para bang niligawan niya ako at kami na talaga.



Hindi ko nagustuhan ang pagpunta niya sa show ni Ms. Helen. Ofcourse, alam kong hindi siya imbitado. All the while akala ko eh mananahimik lang siya backstage pagkatapos niyang makipagkuwentuhan kay Helen. Nang magsimula ng umere ang show , naiwan siya sa likod at kakuwentuhan ang mga P.A. ko . Sa edad kong higit sa bente anyos ay hinahayaan na niya akong mag-isa nga mga interviews at tapings ko, maliban kung mga out of the country...



Bigla ba naman siyang lumabas at umagaw ng eksena sa mga manunood kaya nagtilian ang mga tao sa loob ng studio. Kung magsalita siya, parang may relasyon kami. Heto, sino nga ba naman ang hindi mag-aakala? May dala siyang magandang boquet ng bulaklak at bigla niya akong hinalikan sa labi, hindi ako makapalag. Lumayo talaga kaagad ako. Nangilid ang luha ko sa kabastusang ginawa niya.



Ilang beses din niya akong pinagtangkaang halikan kahit habang natutulog ako at habang nagpapahinga. Minsan ay ginulat niya ako at akmang hahalikan pero nakaiwas ako. Ilang beses ko na rin siyang nasampal sa ginawa niya pero maganda ang tiyempo niya.



Alam ko ang motibo niya. May ilalabas siyang bagong album ngayon. Maganda naman ang mensahe ng kantang iyon... THE YOUTH... sa totoo lang, nakaka-relate ako sa kanta niyang iyon dahil tungkol iyon sa kanyang kabataan na inagaw ng kinang ng entablado.



Marami siyang what ifs... mga what ifs na alam niyang hindi na maibabalik pa dahil iba na ang mundong kanyang kinagagalawan. Ang mundong pareho namin ngayong iniikutan. ♪My youth.. My youth is yours♪ Ang kanyang kabataan ay iginugol na niya sa larangan ng pagkanta. Ang mundo kung saan , musika ang aming kasama... mga nota at lyrics ng kanta ang paulit-ulit naming pinakikinggan at tiklado ng piyano ang aming mga kaibigan.


♪A truth so loud you can't ignore..♪ My youth, my youth, my youth ...♪My youth is yours♪ Iyon ay isa sa mga katotohanang hindi na namin mababago at hindi namin puwedeng ipagwalang bahala. Iisa ang mundo namin ni Troy at iyon ang pinaniniwalaan niya. Akala niya, puwede niyang sakupin ang mundong aking ginagalawan.

♪What if...♪What if we start to drive ...♪What if...♪What if we close our eyes...♪What if... Speeding through red lights into paradise♪ ...♪'Cause we get no time for getting old♪ Before our bodies turn to stones♪ Cross your fingers, here we go...♪Oh, oh, oh♪

Kaya ko rin iyon nagustuhan dahil pareho naming karanasan ang mga binanggit niya doon. Mga frustration niya namin ang maraming what ifs na iyon.

Pero ang ginawa niyang ito ay hindi ko mapapalampas. Hindi niya ako puwedeng gamitin sa kanyang kahibangan para lang sumikat. Hinayaan ko siyang mang-agaw ng eksena. sige lang pero humanda ka sa akin mamaya.

Pagkatapos na pagkatapos ng show ni Helen ay umalis kaagad ako. May mga gusto pa sanang makipagkamay sa akin at magpa-autograph pero nilayasan ko kaagad sila sa sobrang insi k okay Troy. Syiempre, hinabol niya ako at pagpasok ko sa powder room ko inihampas ko sa kanya ang bulaklak na bigay niya.

"How dare you do that to me?"

"Hey, Maya...what's the matter with you?"

"Are you crazy? How could you do that? How dare you do that to me? " Hindi ko siya tinantanan ng hampas kesehodang tamaan siya sa mukha at kahit saang parte ng kanyang katawan. Walanghiya siya, pinagmukha niya akong tanga sa buong mundo. Hayop siya, talagang gigil na gigil ako sa kanya.

"Stop it, Maya... I am so sorry..."

"Sorry... Sorry...angkapal ng mukha mo...Gago ka!" Hindi ako nakatiis at nagtagalog na ako.Siraulo siya. Anong akala niya sa akin, tulad ng lahi nila? Gusto ba niyang tapusin ko ang lahi niya ngayon? Naku, sana lang rosas na may tinik ang ibinigay niya sa akin para sana matinik siya nito.

Inawat na ako ng P.A. ng makita niyang hindi na umiwas si Troy sa paghampas ko. Eh kasi, hindi ko talaga siya tatantanan.

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon