♪And that moment we stared that night
Staying outside with you
I thought it was rightBut maybe I was wrong all along ♪
LUCAS' POV
Akala ko nga pero hindi pala...
OO, akala ko talaga tama ako...
Tamang hinala lang talaga. Wala akong chance para malaman ang totoo.
Nasa harap ako ng computer ng umagang iyon. Na-badtrip akong tingnan ang dingding ko pagmulat ng mata ko kanina. Sa pader tlaaga ako unang titingin. Sanay na ako eh. Kaya gumagaan ang araw ko dahil na rin sa malaking larawan na iyon ni Maya. Wala tuloy ako sa mood magtrabaho. Nanlumo ako. Tulad din kasi ako ng ibang fan na naglalagay ng larawan ng idol ko sa dingding. It sounds weird pero totoo... May mga poster ako ni Maya na nakadikit sa dingding.
"Lucas, 'yung totoo..." Pati si Mama, na-weirduhan sa akin. Hindi niya akalaing ganoon ako ka-praning pagdating kay Maya. Hindi naman ako nahihiya. Proud pa nga ako eh.
"Mama, sakyan na lang ninyo ang hilig ko."
"Ni hindi ka man lang humanap ng iba."
"Mama..."
"You can even find a better person , more than what you deserved. Hindi lang si Maya ang babae sa mundo anak. Ano pang hinihintay mo? Baka tumandang binata ka nyan?" Hindi naman ako nagmamadali. Hindi ko pa naiisip mag-asawa dahil ni minsan hindi nga ako nangligaw at nagka-girlfriend.
"Okay lang po ako Mama...Masaya naman ako."
"Pero iba pa rin kung inspired kang magtrabaho dahil kasama mo siya at sigurado ka sa babaeng kasama mo." Tinutukoy ba niya si Tasha? "Like Tasha..." I told you... NO, not even a blink of an eye would I mistake Tasha for Maya. I can't give her any chance to even love me. I couldn't imagine how she stole a kiss from me. I hate her... ( Wagas ang pag hate...)
Bumili na ako ng bagong album ni Maya. I liked her song very much . Madalas ko iyong patugtugin sa loob ng kotse ko ngayon. Pag-upo ko sa office table ko, sabay harap sa computer... Binuksan ko ito at si Maya kaagad ang hinanap ko. Paulit-ulit ko lang binubuksan ang site na iyon... paulit-ulit na binabasa ang detalye tungkol sa kanya at update ng kanyang career. Busy siya ngayon... Huh! May interview ulit si Maya kay Helen...Dali-dali kong pinuntahan ang isang live streaming na interview ni Maya.
Masayang masaya siyang binati ni Helen.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?