A/N: Still a flashback..... Just a duplication from STUCK, supposedly Maya's POV about Lucas so I wanted to bring back the feeling how Maya talks about Lucas.
LITTLE MAYA'S POV
Matagal ko nang nakikita ang batang lalaki na iyon sa aming bakuran. Ikakawit niya ang kanyang magkabilang braso tapos isasampay ang baba sa aming bakod na gawa sa kahoy . Kapag hindi niya nakuntento isusuot niya ang kanyang manipis na katawan sa kahoy at saka uupo. Magkukuyakoy pa siya. Dalawang mahahabang kahoy lang kasi ang aming bakod. Hindi siya 'yong natural na fence na may barb wire. Puwede naman sana siyang pumasok. Puwede rin sana niya akong lapitan pero mas gusto niya akong tingnan sa malayo. Palagi niya akong tinitingnan. Madalas niya iyong gawin na parang nagpapalipas lang ng oras.
Noon ko lang napansin na may bata din pala sa lugar na iyon. Sabagay ngayon lang ako nakalibreng lumabas. Noon lang ako pinayagang lumabas. Cute siya. Singkit ang kanyang mata at maputing lalaki. Malago ang kanyang buhok at may manipis na labi.
Hindi ko alam ang pangalan niya. Madalas siyang magpa-cute... Yap, kinakawayan niya ako para mapansin ko siya. Hi lang naman siya ng hi pero hanggang ganoon lang. Minsan Hello naman. Ni hindi man lang niya ako tanungin. I got a crush on him kaya lang kaya lang naiinis ako sa kanilang dalawa ni Tasha. Nakikita kong niyakap siya ng pinsan ko at madalas silang magkuwentuhan kaya sa tingin ko gusto na niya ang pinsan ko. Ni hindi naman ako makalapit sa kanila . Hindi nila ako nilalapitan ... Hindi niya ako malapitan dahil pinipigilan siya ni Tasha na lumapit sa akin.
"Huwag mo siyang istorbohin. Busy siya...' Iyon pala ang lagi kong naririnig kay Tasha kahit hindi naman totoo. Wala na akong pag-asa sa kanya. Nanatili siya sa isipan ko... at higit sa lahat .... dito sa PUSO ko.
Lagi ko na lang sinasabing pangit siya para mainis ako sa kanya dahil ayokong maging karibal ni Tasia. Gusto ko pangit siya sa paningin ko pero nakakapagpakilig sa puso ko kahit salitang pangit pa lang. Hindi ko mapigilan ang sarili ko...Itinago ko na lang iyon sa sarili ko tutal wala naman makakaintindi ng nararamdaman ko. Sabi ni Mama, unahin ko muna ang career kaysa love. May potential daw akong sumikat dahil sa talent ko.
One time, naglakas loob siyang lapitan ako pero pagdating ni Tasya at niyaya siya , kay Tasha pa rin siya sasama. Ako lang ba ang patay na patay sa kanya. Buti pa siya, malayang makakalapit sa kanya. Samantalang ako, bago pa man makalapit sa kanilang dalawa ni Tasya, tatawagin na ako ni Mama para magpraktis. Minsan nagkaroon ng pagkakataong makakuwentuhan , I really treasured that moment. It is the most precious time of all. Pero saglit lang. Pinagbawalan ako kaagad na lumapit sa kanya. Pinagbawalan din siya at huwag na huwag daw lalapit sa kanya. parang akala mo, may nakakahawang sakit si Lamb... Oo, nalaman ko na Lamb pala ang name niya. Lucas Alfonso Moreno Brown...Ang amo ng kanyang mukha pero mukha ding pilyo kapag ngumiti na. Tahimik pero madaldal kapag nagkapalagayang loob na. Maamo at hindi nangangat. Friendly talaga siya.
Kaya pareho na lang kaming titingin sa isa't isa habang hinihila ako ni Mama at inilalayo siya ni Tasya.
"Huwag naman. Minsan ko nga lang siyang makakuwentuhan eh..." Gusto ko sanang sabihin. Sana, ganoon din ang nasa isip ni Lamb. Palagi ko siyang itinatanong kay Tasya at sa tingin ko, si Tasya talaga ang gusto niya kasi enjoy na enjoy nila ang company ng isa't isa. Samantalang kapag sa akin, lagi siyang pinagagalitan ni Mama.
Baka dahil doon, turn off na siya sa akin.
Minsan, para din kasing kontrabida si Mama. Hindi naman masamang kahit konting minuto lang eh nakikipagsalamuha ako sa kaidaran ko kaysa naman puro na lang nakatatanda ang kausap ko, iniinterview ako at walang ginawa kundi tanungin ako ng isang bagay na paulit-ulit ko na rin namang nasagot. Ganito ang kapalit ng unti-unting pagsikat... unti-unti ring nawawala sa iyon ang mga simpleng kaligayahan sa buhay na minsan lang mararanansan... at ngayon, hindi ko mai-enjoy ... dadaan lang... lilipas lang ng di ko mamamalayan...
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?