A/N: Your past determines your future. Anong future ang naghihintay kay Lucas ? May future ba? Tiwala lang...
LUCAS' POV
Masyadong matraffic... habang nakahinto ang kotse, nagawa ko pang balikan ang alaalang iyon. Napangiti na lang ako. Mag-isa lang ako sa kotse. Mabuti at wala si Tasha, kung hindi sisimangutan na naman niya ako at aawayin ng walang dahilan. Nagseselos ng wala namang K...Hay naku, hindi pa rin siya nagbago...
Angtagal na panahon din pala noon at hanggang ngayon ganito pa rin ang nararamdaman ko para sa iyo, Maya... Same feelings when I was twelve. Nandito ka pa rin. Na-stuck ka na dito sa isip ko. Ano ba ginawa mo sa akin? Akala ko okay lang na nandito ka pero hindi pala. Nang makita ko kayo Ng artistang inili-link sa iyo , bigla akong nagselos... all these years, sana ay noon pa kita pinalaya. :( Akala ko tama, but maybe I was wrong all along.)
Paano mo naman mamahalin ang isang tulad ko? TAYO? Wala namang tayo at kahit kailan ay hindi naging tayo at hindi na yata magiging tayo. Umaasa ako. Lagi mo kasi akong nilalayuan. Lalapit pa lang ako tatalikuran mo na ako. May sasabihin pa lang ako magsusungit ka na kaagad. Kaya tahimik na lang ako. Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko. Hindi kita kayang sungitan tulad ng ginagawa mo sa akin. Ayokong sumama ang loob mo sa akin. Okay lang na masaktan ako, huwag lang ang damdamin mo. Na-stuck ka na dito sa isip ko... at higit sa lahat... sa PUSO ko. Hindi na mahalaga kung ano pa ang iniisip mo ngayon basta ako alam kung mahal kita ito lang ang mahalaga. Kaya nga, I'm still silently quietly hoping you'll end up with me. Pero, mangyayari ba yun?
Ang layo na ng agwat natin...
Yep. Up until now. So what should I do?
Hindi ko kayang mahalin si Tasya hangga't hindi kita nakakalimutan. Matagal na siyang nagtataka. Siya na nga ang nagsabing matagal na raw niya akong mahal. Bakit hindi ko na daw siya ligawan dahil sigurado namang sasagutin niya ako. Eh baka nga hindi pa bumubuka ang bibig ko, OO na ang sagot niya.
Kapag nalaman niyang mahal kita, baka lalo siyang masaktan. All these years, ang babaeng itinatangi pala ng puso ko ay ikaw. Kahit kami ang magkasama, nililipad ng aking alaala ang iyong gunita sa aking isipan. Baka nga sa panaginip ay pangalan mo pa ang binabanggit ko. Dahil hanggang ngayon ay nandito ka, hindi kita kayang palayain. Para sa akin, tayo lang ang perfect for each other.
Hindi ko siya kayang gawing panakip-butas dahil kahit maging kami, hindi pa rin kita makakalimutan. Sinabi ko na sa kanyang maghanap na nag iba kung hindi na niya ako mahihintay at doon niya nalaman na may mahal na akong iba. Inamin ko naman na may mahal na akong iba pero hindi ko sinabing ikaw. Tasya deserved to be happy but not beside me. She deserved someone else kaya kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na magka-girlfriend hangga't hindi ikaw ang una at huli kong magiging girlfriend. Madaming kabaliktaran ang buhay pero hindi kasama doon ang PAG-IBIG.
May mga taong mananatili sa iyong puso pero hindi sa iyong buhay. Masakit talaga ang katotohanan. Minsan ka nang dumating sa buhay ko at napasaya mo ang bawat araw ko. a few good and happy memories were enough to keep me in-love with you. Pinaglayo tayo ng iyong desisyong harapin ang iyong buhay. Nagkalayo tayo dahil kailangan mo, alam kong hindi dahil sa gusto mo. Bata ka pa kasi para malaman kong ano ang gusto mo sa buhay. Ang talento na nagbigay sa iyo ng kasikatan ang naglayo sa atin pero okay lang...masaya ako sa narating mo. Paano kaya kung naging tayo? paano kung iba ang iyong talent, baka hindi pa tayo nagkahiwalay... Baka ngayon ay nasabi ko nang gusto kita... mahal kita.
Iba ka... Iba si Tasha.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?