TASHA'S CONFRONTATION

22 0 0
                                    

TASHA'S POV



Akala ni Lucas sila lang ang na-stuck. Matagal ko nang alam na may lihim silang unawaan ni Maya. Kitang kita ko sa mga mata nila at mga maging ang mga lihim na sulyap nila sa isa't isa. Mas nakakaintriga kung paano silang mag-ngitiang dalawa.



Pigil na pigil ang kilig na gusto ng kumawala. Hindi lang siguro sila makabuwelo dahil hinihigpitan si Maya ni Tita Carmela. Hindi halata ang pagkontra ko sa kanilang dalawa. All this time, hindi ko na maitago ang nararamdaman ko para kay Lucas. We have been together since we were young pero tingnan mo naman, nagkalayo na sila ni Maya, wala pang communication but still there hearts beat as one. That is the most terrible thing to know. I can't hide it anymore. I can't even deny the fact that I was total devastated.



This feeling is so terrible ... you can't control it. Alam ko ang pakiramdam ng na-stuck. Mahal mo siya pero ang mahal niya ay iba. Ganoon lang 'yon, Ingles lang kasi itong kay Darren. Pero masakit pala kapag hinarap mo na ang totoo. Kasi hindi ako puwedeng umaasa kahit katabi ko na siya. Puwede ko namang sabihin kaya bakit hindi ko pa sabihin ang totoo?



Nasaktan ako, nasaktan ko din siya. At si Tomas? Buwisit na Tomas, hindi ako makapalag sa ginawa niya. Daig ko pa ang natunaw na yelo sa klase ng halik niya. Pamatay! Oo, papatayin ako dahil hindi ako makahinga. Halos kainin niya ang buong nguso ko sa harap ni Lucas. Wala akong nagawa. Natunaw ang pride ko.



Paglabas ko ng opisina ni Lucas, sinundan ako ni Tomas.



"Tasha, makinig ka muna sa akin. Magpapaliwanag ako."


"Ah talaga! Kailan pa? "


"Tasha, mga bata pa lang tayo... crush na kita...hanggang sa lumaki na tayo. Puro ka kasi Lucas. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Bakit? Si Lucas lang ba ang pogi at may kakayahang magmahal? Pati rin naman ako ah, kung pagbibigyan mo lang ako, patutunayan kong mahihigitan ko pa ang pagmamahal na hinahangad mo mula kay Lucas."


"Hindi ko kailanman matatanggap ang gusto mo."


"Hindi rin kita papayagang masira mo sina Lucas at Maya."


"Bakit sila ba?"


"Sila man o hindi, alam nating lahat kung ano sila. Hindi para sa iyo kundi para sila sa isa't isa... sina Lucas at Maya lang..." Sinampal ko siya.


"How dare you?"


"Tama na , Tasha... Sabi ko sa iyo, mas liligaya ka sa akin at hindi kay Lucas." Muli niyang hinagilap ang labi ko . Iyak ng iyak si Tomas. Napaiyak ako sa ginawa ni Tomas.


"Tomas, puwede ba, lumabas ka na.Gusto kong mapag-isa."


"Tasha..."


"Please lang..." Pinahid ko ang labi. Nakakainis ! I would much appreciate kung si Lucas ang humalik sa akin.



Hindi ko maabsorb ang mga sinabi ni Tomas. Hanggang sa mag-uwian ay hindi niya ako tinantanan. Maging sa parking lot ay hinarang niya ako at halos kidnapin papasok sa kanyang kotse.



"Sumama ka muna sa akin."


"Tomas, tigilan mo nga ako."


"Mag-usap muna tayo."


"Ayokong kausap ka..."


"Mag-usap tayo..."Ini-lock ni Tomas ang pinto ng kanyang tinted black na kotse at halos walang makakahalata sa nangyayari sa loob.


"Tasha, alam mo bang matagal na panahon din akong naghintay sa iyo. Madaming beses akong nasaktan. Sa tuwing nasasaktan ka dahil sa pagpupumilit mo kay Lucas, nasasaktan din ako. Hindi ka niya kailanman kayang ibigin."


"Tomas, hayaan mong pag-isipan ko ang lahat ng mga sinabi mo.Pansamatala, puwede bang layuan mo ako? Gusto kong makapag-isip..." 


Hinayaan na niya akong bumaba ng kotse. Nagmadali akong umalis. Halos mapatakbo ako sa loob ng aking kotse.

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon