LUCAS' POV
Kaya pala nag-home study na lang si Maya. Anytime soon ay palipad na silang mag-ina sa America. At iyon ang hindi ko napaghandaan. Kaninang umaga ay nakita ko pa si Maya sa bakuran. Naka-white maong pants, checkered red and white na long sleeves and a black boots. Pakiramdam ko, may lakad sila at may performance siya ng umagang iyon.
Hindi ako napansin ni Maya sa loob ng bus service ko.
Pagdating ng hapon, nagbihis lang ako.
Alam na ni Mama kung saan ako pupunta.
"Saan ka na naman pupunta?"
"Dyan lang po sa bakuran ni Mrs. Cornejo."
"Lucas, umalis na sina Maya. Sa ibang bansa na sila titira. Nakapasok ng HollyWood si Maya."
Ang pag-alis ni Maya ay katumbas ng aking first broken heart. Umalis na sila . Para akong binuhusan ng tunaw na yelo. Hindi ko maipaliwanag ang aking pagkadismaya sa balitang narinig ko kay Mama.
Ni hindi na ako nakalabas. Nagkulong na lang ako ng kuwarto. Tumakbo pa rin ako palabas ng pinto.
"LUCAS! LUCAS!" Nagtatakbo ako sa bakuran nina Mrs. Cornejo. Hindi pa ako kumbinsido na totoo ang sinabi ni Mama.
Tahimik ang bakuran ng pumasok ako. Hindi na naka-lock ang gate. Kinabog ko ang pintuan. Walang umimik. Sumilip ako sa salamin. Walang katao-tao.
"Maya, Maya, si Lucas ito."
"Maya, Maya..."
Kahit anong sigaw ko at kabog sa kanilang pinto, walang lumabas na babae para sermunan ko. Walang Mrs. Cornejo ang lumabas kasi tiyak na sermon ang aabutin ko kapag ganoon ang klase ng katok ko. Daig ko pa ang NBI.
Napaupo ako sa harap ng kanilang pinto.
"Maya, bakit mo ako iniwan?" Balak ko nang sabihin sa kanya na gusto ko siya. Mati-tyiempuhan ko siya sa bakuran nila kapag ganoong araw ng Lunes.
That's the time when I started to hate Mondays to come.
Iyon ang araw kung kailan, umalis ng tuluyan si Maya.
Kung alam ko lang na kaninang umaga ang alis niya...
Anong balak ko?
Itanan si Maya?
BALIW!
Ambata ko pa para makipagtanan...
Sasabihin ko lang naman na gusto ko siya, kung aalis siya, hihintayin ko siya kaya hintayin din niya ako. Masama ba?
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?