A/N: Sagana sa flashback si Lucas dahil he was totally truly stuck...
LUCAS' POV
Sayang hindi ko man lang siya magiging kaklase. Hindi ko man lang mararanasang makatabi ang isang magandang babae na tulad niya. Hindi ko man lang makikita kung anong pagkain ang trip niyang kainin o kung gaano siya kalakas kumain. Hindi kami mabibigyan ng pagkakataong magkasama sa canteen, makatabi siya sa pila tuwing oorder ng pagkain o kaya ay makatapat man lang ng pila during morning assembly ang retreats on Friday.
Hindi ko man lang siya makikitang naka-PE uniform at maglaro during competitions and Intramurals. Hindi ko man lang siya naging kapartner bilang muse ng klase. Hay! iba talaga kapag mayaman... may choice ka kung paano ka tuturuan at kung paano ka mag-aaral.
During weekends, tulad ng dati... doon lang siya sa loob ng kanilang bakuran. Hindi siya aalis sa kanyang puwesto. Doon lang siya nakaupo sa ilalim ng lilim ng malagong puno. Pakuyakuyakoy ang paa niya habang nakaupo at nagpapahinga. Nakasalpak ang headset, habang nakatitig sa tablet na hawak-hawak niya... animoy' kumakanta at sinasabayan ang naririnig.
Parang ang sarap ng buhay niya. Wish ko lang, sana ganoon din ang buhay ko bilang bata. Masarap maging bata. Simple lang ang problema. Pero sa amin ni Maya, bata pa lang kami... COMPLICATED NA... (Etchos! Hoy Lamb... feelingero ka talaga!)
Hindi niya mararanasang gumising ng maaga at magbihis ng uniform. Hindi niya mararanasan kulitin ng mga kaklaseng babae at lalaki habang nasa pila o kaya tuwing nasa kantin. Hindi ka tutuksuhin sa kaklase mong may crush sa iyo at hindi mo din naman crush. Hindi ka pagtatawanan kapag nakakuha ng zero sa quiz o kapag walang homework at nabigyan ng 70% sa grade.
Wish,,, wish... wish... How I wish the wish you wish...
Hanggang sa lumaki na ako, puro pa rin ako wish. Marami nang nahulog na falling stars pero ni isa doon ay walang nahulog para bigyang katuparan ang mga hiling ko... Ako na lang ang gagawa ng paraan... Or bahala na si Tadhana kapag napagod ako.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?