HOLD ON, LUCAS

16 0 0
                                    

LUCAS' POV



Holding on to your memory keeps me inspired... Iyon lang naman ang kagandahan noon kahit na-stuck na sa puso ko si Maya. Hopeless... Helpless... However we call it, it is still nothing. Why in the world did I hold on to Maya's memory when at the end of the day, things never really mattered It is not important at all.



IT WAS ALL NOTHING...



"O bakit ang aga mong umuwi?" Hindi ako umimik kay Mama. Alam na niya na may nangyari kaya binigyan niya ako ng konting privacy. Hindi na niya ako kinatok sa kuwarto. Lumabas ako at kumuha ng alak. As in alak na long necked bottle...Hindi lang simpleng beer .


"Lucas, anong problema? " Papasok na sana ako sa loob ng kuwarto.


"Mama..."


"Bakit? Para saan ang alak na iyan?"


"Si Maya at Troy na pala..."


"Huh! ngayon mo lang ba nalaman..." Bakit kailan pa ba sila?


"Hindi mo ba sila nakita noong huling concert niya. Kasama niya si Troy. Angsweet nga nila eh."


"Eh di ba ganoon naman talaga ang mga singer...Parang artista din sila. Life for them is like showbiz." Pagdadahilan ko pa.


"Iba ang mundo mo, Lucas...iba ang mundo ni Maya...Anong magagawa mo kung sa pagdating pala ng panahon eh ito ang katotohanan? Get real...So ngayon, siguro naman eh titigilan mo na ang kahibangan mo kay Maya."



At ito ang katapusan ng mahabang panahon pagiging hibang sa isang pag-ibig na kahit kailan ay wala naman talaga. Kahibangan pala ang lahat ng iyon para kay Mama, hindi lang siya nagsasalita kasi ayaw niya kaong masaktan.



Eh kasi, gusto pang nasasaktan bago natatauhan.



Inubos ko ang laman ng alak na iyon. Umiiyak ako sa dilim. Nasulyapan ko ang larawang pinunit ni Tasha. Sinalat ko ang mukhang puzzle na mukha niya. Sinikap ko pa rin kasing buuin iyon at lagyan ng scotch tape.



"Maya, hanggang dito na lang ba tayo? Tama ba ang narinig ko? Kayo ba talaga ni Troy?" Sa sobrang galit ko ay tuluyan kong tinanggal ang lahat ng larawan ni Maya. Kitang kita ko ngayon ang puting puting pader sa loob ng aking kuwarto. Napakalinis nito na parang bagong pintura. Inilabas ko lahat ang mga kahong naglalaman na mga maliliit at malalaking memorabilia niya pati ang shoebox na puno ng kung anu-anong tickets.



Halos dalawang araw akong nagmukmok. Naka-close ang cellphone ko. Kampante naman ako na magiging maayos pa rin sa Music Studio kahit wala ako dahil nandoon si Tasha. Hindi niya pababayaan ang studio at kaya niyang magbaba ng desisyon sa mga empleyado namin. Sabay naming itinayo ang studio na iyon kaya ang akala ni Mama ay kami na talaga.



"Abah! Para na ba iyan sa future ninyo?" Sabi ni Mama. Abut-tenga ang ngiti ni Tasha. Feel na feel niya ang sinabi ni Mama.


"Hay si Mama...Kaya lumalaki ang ulo ni Tasha sa kasasalita ninyo ng ganyan sa kanya kahit hindi naman totoo."


"E di totohanin na natin, di ba, Tita? Hindi naman masama..." Angsaya nilang dalawa sa kalokohan nila. Sila lang natutuwa sa mga naririnig nila.



Iniwan ko nga sila noon.



Ayoko na siyang makita tuwing umaga. OO naman, gigising ako at magtatrabaho at simula bukas, haharapin ko ang buhay ko na ako lang...At hindi na kasama si Maya. Sisikapin ko kasi hindi naman ganoon kadaling mag-move on.



Para daw mas mabilis maka-move on kailangang makahanap kaagad ako ng kapalit niya. Sa tingin ko, makakahanap naman talaga kaagad ako. Desidido na ako. Kapag niyaya ako nina Cholo, I'll go out with them this time.



Pero kung kailan ako ready umalis ng bahay, walang nagyaya sa akin...


STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon