A/N: This is all but a flashback....
LUCAS' POV
Well, I really didn't notice her ...That's why I knew only few things about her. Few yet significant things about her... She is just a new girl next to our house. Not new actually, new to my eyes only kasi noon lang kita nakita. Noong una, nagtataka talaga ako kung saan kang planeta nagmula. Para ka kasing may sariling mundo. Hindi ko alam kung magkasing edad tayo. Sa tuwing papasok ako sa school, hindi ko alam kung pumapasok ka ring tulad ko.Wala kasing schoolbus na huminto sa tapat ninyo. Naisip ko na lang na baka mas maaga kang sinusundo kaysa sa akin. Pero hindi eh...
Matagal na akong nakikipaglaro sa labas. Nagbibisikleta, nagbabasketbol, nakikipaghabulan pero wala naman dating batang babae sa bakuran na iyon. Akala ko nga haunted house ang bahay ninyo. May tao naman pala. Tahimik kasi doon pero isang gabi, nakita kong may sindi na ang mga ilaw sa bakuran at ang buong bahay pero walang lumabas. Minsan pa nga may naririnig akong tumutugtog lang ng piano pero wala namang kumakanta. Uhhhh! Nakakatakot! Parang feeling ko, multo lang ang nagpapatugtog doon.
Hanggang isang araw, nakita kong may lumabas na batang babae. Nakabestida siya ng pink. Hmm, pambahay na niya siguro ang bestidang iyon. Mukhang hindi lang talaga siya lumalabas at mas gustong palaging nakakulong sa loob ng bahay. Sa tuwing nakikita ko siya sa bakuran nila, mag-isa palagi sa kanilang garden, nagka-headset at hawak ang kanyang tab at animo'y kumakanta. Palagi lang ganoon ang eksena.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, na-realized ko na sumasaya ako sa tuwing nakikita ko siya. And I would say , there must be something about you that made me feel this way. Inalam ko talaga ang pangalan mo... Finally, her name is Maria Aya Chang Cornejo. Everybody calls her Maya for short.
Isang araw, narinig ko na lang na pumailanlang ang boses na iyon. Lumabas ako ng bahay at hinanap kung saan nanggagaling iyon. Siya pala ang kumanta... Minsan, naimbitahan kami sa salu-salo sa kanilang bahay. Noon ko lang narinig ng malapitan ang kanyang mala-anghel na tinig . Boses pa lang niya ay bumilis na ang tibok ng aking puso.
Iba talaga si Maya, maganda na, talented pa.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?