SECOND TIME TRAVEL:

9 0 0
                                    

If I could take it all back
I still want you by my side.
If only I could bring you back to me
If I could go back in time
promise we won't say goodbye
I never really moved on,
No, not in time...



NOTE:

Malaki ang pagbabagong madadatnan ni Lucas sa hinaharap. Hindi man niya mapaniwalaan ngunit ang lahat ay nangyari na...



LUCAS' POV



At isang iglap, biglang nagbago ang takbo ng panahon...Mas naging mabilis ito... Umuwi ako sa bahay. Napagod ako sa trabaho. Madaming kliyente ng araw na iyon at kabilaan ang gamit sa studio maging sa recording studio. Sa pagkakaalam ko ay bagong bukas pa lang ang aming studio.



"Kailan pa naging ganito ang operation ng ating studio?" Tanong ko kay Tasha.


"Natural, iba na ang studio natin ngayon."


"Ha! Anong kakaiba dito?" Kasi nga parang pagkagising ko, biglang ganito na. Abala ang opisina ko. Tunug ng tunog ang mga telepono sa mga cubicle. Madaming kotse sa garahe at iba't ibang artist ang nakikita kong labas – masok sa mga booth.



Paglabas ko sa sala ng aking opisina, nakita ko ang litrato namin ni Maya. Nakaakbay ako sa kanya.



"Kailan pa ito dito?" Tanong k okay Tasha. Kitang kita ko ang pagtataka sa kanya.


"Anong nangyayari sa iyo? Are you some kind of .... Are you out of your mind?" Tanong niya sa akin. Takang- taka din siya. Lalo namang takang –taka din ako.


"Kailan pa ito kinuha?" Bagong bago ang larawan.


"Hindi mo aakalaing dadalaw dito sa iyo si Maya. Ano ka ba, Lucas? Siya ang nag-ribbon cutting dito. Hindi mo ba talaga naaalala?" Kahit anong pilig sa ulo ko, hindi ko maalala kung kailan pa umuwi si Maya sa Pilipinas para maimbitahan ko sa ribbon cutting ng LAMB STUDIO. International Singer si Maya. Paano iyon nangyari?


"Imposible kasi..."


"Nakainom ka ba?" Tanong ni Tomas. "Masama 'yan." Pumikit ako. Hindi ko maintindihan ang pagbabago ng sitwasyon.



Simula daw ng sumikat si Maya ay naging mahigpit si Mrs. Cornejo sa kanya ngunit nagagawa pa rin nitong paunlakan ang aming mga imbitasyon tulad ng ribbon cutting ng magbukas ang studio.



Home Schooling pa rin siya. Every six months ang balik nila dito sa Pilipinas. Sixteen years old na si Maya ng magkaroon siya ng mini-concert sa MOA Arena. Sinamahan siya ng mga local artists ng bansa at foreign singers tulad ni Smiley Cyprus at Justine Biever. Saglit lang ang pagtatanghal ng dalawang teenager. Sinadya talaga nila si Maya dito bilang suporta sa nalalapit niyang pagtira sa ibang bansa. Parang good bye concert na iyon ni Maya kaya hindi ko siya nilapitan kahit VIP ticket pa ang ipinadala niya sa bahay.



Ibig sabihin, natuloy man si Maya sa ibang bansa pero umuuwi pa rin sila dito sa Pilipinas at malapit pa rin kami sa isa't isa. Pero ano kami ngayon?



"Uy, bakit hindi mo man lang nilapitan si Maya para i-congratulate? Tingnan mo ang ugali nito..." Sabi ni Tomas. Magkahawak kamay sila ni Tasha. Sila na rin pala... At ibig sabihin, ni minsan ay hindi ko pa rin sinisipot ang mga concert ni Maya dito sa Pilipinas.


"Ano 'yan? Kayo na?" Tanong ko.


"OO... huwag kang maingay kasi baka biglang magbago ang isip."



Natuwa naman ako atleast alam kong hindi na ako kukulitin ni Tasha. Kailan pa ba naging sila ni Tomas? Umamin ba sila? Napailing ako. Anong nangyari nga? May nabago ba sa sitwasyon? Napaupo ako sa aking opisina. Hindi ako makapaniwala. Ganito din ang ginawa ko noong isang araw. Nakaupo ako dito. Iniisip si Maya . Niluwagan ko ang aking necktie. Parang sumasakit ang ulo ko.



Hindi ko alam kung anong oras ,mawawalan ng tao sa opisina. Hindi ko pa rin lubos maisip kung anong nangyayari kaya bago ako masiraan ng bait, umuwi na lang ako.



Muli akong lumabas ng bahay para magpahangin. Napakaimposible ng mga nangyari ngayong araw na ito. Hindi ako diretsong dumaan sa bahay nina Maya. Nagtagal ako sa parke. Muli akong nagmuni-muni at nangarap.



Tinitigan ko ang concert ticket na bigay ni Tasha sa akin. Nandoon din ang plane ticket na kasama nito. Huling concert na daw ito ni Maya kaya gusto niya akong makita, ayon kay Tasha. Hindi ko naman iyon pinaniniwalaan.



Napabuntunghininga na lang ako. Saka ako tumayo, naglakad-lakad ako patungo sa tapat ng gate nina Maya. Pumikit ako at inalala si Maya...



1:43 na pala ng madaling araw... tinuktok ko ng aking daliri ang aking relo. Baka kasi mali ang oras. Parang katatayo ko lang sa parke at saglit pa lang ang inilalakad ko, madaling araw kaagad.


STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon