LUCAS' BUTTERFLY

34 7 1
                                    

LUCAS'S POV



Yes, that was the happiest ever stolen moments namin ni Maya. Kahit mga bata pa kami, nagnanakaw na kami ng mga sandali para lang matitigan ang isa't isa at lihim na magkalapit. Mabuti naman ang noong araw na iyon ay natyiempuhan ko siy sa bakuran kaya naibigay ko sa kanya ang sulat na iyon ng walang inaalala.



Hindi na kami nagkausap ni Maya. Balak ko talaga siyang kausapin tungkol sa loveletter na iyon. She can read between the lines or maybe react kung tama ba ang tingin ko sa mga bagay – bagay tungkol sa aming dalawa.



Hindi ko alam kung paano ko siya makakausap ng sarilinan dahil bantay –sarado siya sa bahay. kung matityiempuhan ko siya sa bakuran nila... suwerte ko. Kung hindi pupunta si Tasha, mas maganda. Pero kung puwede akong makahingi ng tulong kay Tasha , mas mainam...



Binasa ko ng ilang beses ang sulat na parang tula na parang ewan lang. Hindi ako nakatulog sa kaiisip kay Maya. Ninerbyos ako na baka hindi maganda ang bati sa akin ng umaga dahil lang sa sulat na iyon. First time kong magbigay ng love letter. Natatakot ako na baka makita iyon ng iba sa kanya. Sana lang, iningatan niya iyon ng mabuti. Talagang humanga ako sa kanya. Pumasok ako ng tahimik sa bakuran ng walang sisigaw sa kanya. Masungit kasi si Mrs. Cornejo, for sure... ayaw niyang iniistorbo si Maya ng ibang mga bata.



Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Basta minsan may mga salitang bigla na lang papasok sa isip ko at di ko mapigilang hindi iyon isulat. Nanghihinayang kasi ako. Minsan nakakabuo ako ng tula. Iniipon ko na lang kasi baka magamit ko in the future. Mahilig din kasi akong kumanta. Minsan biglang humuhuni sa tenga ko ang tono ng isang kanta pero kulang ng salita. Minsan puro lang salita pero walang tono, walang huni, walang tunog. Siguro, ganoon talaga ang mga taong may music inclination. Hindi lang sa musika nagkakaroon ng interes kundi pati na sa mismong kanta. Hindi lang sa instrument kundi pati sa taong tumutugtog nito tulad ni Maya. Magaling siyang magpiyano . Magaling din siyang kumanta.



Balang araw, magkakasama kami ni Maya sa pagkanta.


STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon