LUCAS' POV
Yes palagi tayong nasa starting line... Malayo pa sa finish line. We have not started anything yet kaya paano matatapos. Hindi pa tayo nagsisimula pero tinapos muna. And I have to move on. Pinilit kong maging okay kahit hindi . Sinikap kong maging matapang kahit gusto ko pang umiyak. Malayo kami ni Maya sa isa't isa kaya ano naman ang pag-iinarte ko. Masuwerte si Maya. Mukhang magiging masaya siya kay Troy.
Mabigat ang hakbang ko patungo sa loob ng aking opisina. Binuksan ko ang aking computer at pikit – mata kong binura ang history ng aking computer. Binura ko ang lahat ng folder na naglalaman ng mga downloaded pictures ni Maya. Binura ko rin ang lahat ng mga videos ng kanyang mga concert na na-download ko lang sa youtube. Isinama ko ang lahat ng CDs ng kanta niya sa isang kahon. Pati ang bagumbagong CD. Ngayon, nai-stock na lang sila sa isang bodega. Napalitan ng galit ang dati kong pagkahumaling sa kanya. Ayoko nang makakakita ng kahit na isang bagay na may kaugnayan kay Maya.
Nakangiti akong pinuntahan ni Tasha. Hinalikan niya ako sa pisngi. Hinawakan niya ang kahon na iyon.
"Dyan nababagay ang mga iyan. Atlast, gising ka na rin." Sabi ni Tasha. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Lucas. I am willing to take you. To love you. Puwede tayong magsimula ngayon. "
Naiyak ako kay Tasha. Hindi pa rin puwede. Unfair naman kung mamahalin ko siya ng ganoon kadali. Dahil ang totoo, para lang akong batang nagtatampo, parang may sumpong at hindi ko alam kung maya-maya lang ang wala na ang hinanakit ko sa mundo.
Baka biglang magbago ang isip ko.
"Ano bang problema, Lucas?" Hindi ko masabi kay Tasha na may taong matagal ng naghihintay sa kanya. Kung paglalaruan ko siya, paiiyakin at gagawin lang panakip-butas, makakalaban ko si Tomas. Hindi nalalayong maramdaman din ni Tomas ang galit tulad ng nararamdaman ko ngayon. Napag-usapan na namin noon na tutulungan ko siya kay Tasha kaya lang masyado kasing transparent si Tasha. Halatang halata na gustong gusto niya ako. Hindi na siya makaimik pero hindi naman siya galit sa akin.
"Tasha, hindi ibig sabihin na gusto kong kalimutan si Maya ay ikaw na ang ipapalit ko sa kanya."
"Lucas..."
"Nasaktan ako... OO, pero unfair naman kung agad-agad eh tayo na. Hindi ganoon 'yon." Natahimik si Tasha pero niyakap niya ako at hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at mahilig siya sa mga ambush na tulad noon. Hindi ako makapalag sa ginawa niya. Hinalikan niya akong muli sa labi. Napamulagat ako sa ginawa niya. Nakapikit pa siya habang ginagawa iyon.
Isang malakas na suntok ang dumapo sa aking pisngi.
"Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita tapos..." Galit na galit si Tomas. Umawat kaagad si Tasha.
"Tomas, ano bang sinasabi mo? Bakit mo sinuntok si Lucas? Lucas, nasaktan ka ba?" Bumaling kaagad siya sa akin.
"Tasha, matagal ko na kasing kinikimkim ito eh. Bakit siya? Bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako? May Maya na siya." Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga oras na iyon. Masakit ang suntok ni Tomas kasi galit na galit siya. Tinitingnan ko ang reaksyon ni Tasha dahil sinabi rin niya iyon sa harapan ko ng magwala siya dahil sa mga nankitan iyang larawan ni Maya sa loob ng aking kuwarto. Heto si Tomas...Anong sey niya?
"WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT?"
"Tasha, ako ang tunay na nagmamahal sa iyo. Kahit anong gawin mo , imposible mong mabura si Maya sa puso ni Lucas.Hindi ka rin mabura dito sa puso ko."
"How dare you say that? Bawiin mo 'yan. Bawiin mo ang sinabi mo...Bawiin mo!" Kinabog ni Tasha ang dibdib ni Tomas pero napuno na siya at marahil ito na ang tamang pagkakataon. Sinunggaban niya ng halik si Tasha. Pumalag si Tasha pero hindi siya tinigilan ni Tomas. Pinilit niyang mahalikan ang dalaga at hinding hindi niya pakakawalan ito.
"Tomas, ano ba?" Lalong hinigpitan ni Tomas ang hawak sa kanya hanggang sa tuluyan niya itong mayakap.
Buwisit talaga itong si Tomas at dito pa gumawa ng eksena. Pero in fairness, anggaling niya. Ganoon pala dapat humalik sa babae para matunaw ang mga inhibitions nila sa kanilang mga sarili. Magaling na teknik para lubusan mo siyang makontrol.
Natahimik silang dalawa at biglang nagkatitigan. Huminto na sila sa paghahalikan habang napatikhim na ako. Yumakap si Tasha kay Tomas.
"Tasha, matagal na kitang mahal." Hinigpitan niya ang yakap sa babae.
"Pare naman, anglakas ng suntok mo ha!" Pagalit kong sabi sa kanya.
'Pasensiya na pare, nagulat ako eh."
May ibabalita sana siya sa akin tungkol kay Maya pero pinigilan ko na siya. Ayoko nang marinig ang kuwento niya. Alam ko na iyon.
"Kalilimutan ko na si Maya..." Bigla ko na namang narinig ang tawang iyon. Dati si Cholo ang tumawa sa akin noon sa tapat ng bahay namin habang nagyayayang magbisikleta.
Lalabas sana kami para pag-usapan ang tungkol sa balitang iyon ngunit minabuti kong sundan niya si Tasha at magpaliwanag sa ginawa niya at lahat ng mga pinagsasabi niya. Bandang hapon ay nakita kong magkasabay silang umalis ng opisina at hindi na nagpaalam sa akin ang dalawa.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?