A/N: Another flashback...
LUCAS' POV
Mukhang gusto ko na siya. Gustong gusto ko siyang tingnan. Gustong gusto kong makita ang pagbuka ng kanyang bibig habang kaliwa't kanang sumasayaw ang kanyang ulo, pumipitik ang daliri at kasamang umiindayog ang kanyang maliit na katawan. Madaming beses ko rin siyang nakikitang nakatingin sa akin. Nagtatama pa nga ang paningin namin. Napansin rin niya ako sa wakas, nilapitan niya ako pero akala ko magiging friendly siya sa akin, bigla niya akong dinilaan at sinimangutan. Inis pala siya sa akin.
Nagpasensiya naman ako. Alam kong nabigla siya. Noon lang niya ako nilapitan sa tinagal-tagal kong nagpapa-cute sa bakod na iyon. Ni hindi ko siya nakitang lumabas ng kalye pero madalas kong makitang umaalis sila ng kanyang mama.
Kaya minsan, gumawa ako ng paraan kung paano makakapunta sa kanila. Tamang tama, nakisuyo si Mama na dalhin ang mga brownies sa kabilang bahay... kina Maya mismo ang tinutukoy niya.
"Lucas, dalhin mo ito kina Mrs. Cornejo..." Hindi na ako nagreklamo. Mabilis pa sa alas kuwatro ang pag-alis ko. "Lucas, ingatan mo ang lagayan... Bakit ka ba nagmamadali?" Excited lang ako.
Nagdoorbell ako pagdating sa tapat ng gate nila. Pinagbuksan naman ako ng nakangiting kasambahay at sinamahan ako sa loob ng kabahayan. Doon ko nakitang mukhang malungkot ang bahay na iyon. Malamig na akala mo ay may aircon. Abala si Mrs. Cornejo sa pagluluto sa kusina.
"Uy, Lucas...come here, honey. what did you bring for me?"
"Tita, mama wants to give you this cake..." Binuksan niya ang kahon at doon niya nakita ang katakam-takam na brownies.
"Oh, thank you Lucas. You are so kind...Tell, Mama, thank you ha! Pero teka, nasaan ang cake?" Bigla kong sinilip ang loob ng kahon. Hahaha, wala sa loob ko, brownies nga pala. Dyahe! Nakakahiya!
"Wala po 'yon..." Kakamut-kamot na naman ako na para akong may kuto. Narinig kong excied niyang tinawag si Maya at nagdahan-dahan akong naglakad. Hanggang sa makita kong nagbukas ang pinto sa gawing kanan ng bungalow. Hila-hila niya ang isang magandang babae. Inisip ko na Tita niya iyon pero..." Halika, Teacher Mary... kain po tayo ng cake" Pati tuloy siya, akala, cake ang dala ko.
"Brownies, Iha... not cake." Napatingin sa akin si Mrs. Cornejo. Gusto kong takpan ang mukha ko sa sobrang hiya.
Doon ko na-realized na sa bahay lang pala siya nag-aaral. Tutor pala ang madalas na pumunta sa inyo. Pero mukha naman siyang malusog at walang sakit. Bakit kailangan niyang magpatutor kung puwede naman siyang pumasok sa regular school?
Maya-maya, may matandang babae na nakasalamin ang pumasok , kasabay ng kasambahay nila.
"Hi, Teacher Mia..." Kumaway ulit si Maya. Tutor ulit. Ilang tutor ba mayroon siya? Hindi ba mas magastos iyon? Masyado naman silang mayaman to even afford one tutor for each subject. Pero iyon ang akala ko , hindi ko pa kasi alam ang totoo.
Ganoon lang kasimple ang buhay ko. Okay na iyon para makita ko siya at maging masaya ako buong linggo. Sapat na iyon para maging inspired ako sa klase kahit minsan para kulang. Ano ba naman ang puwede kong gawin eh, bata pa naman ako?
Pero , hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko... nakakita lang ako ng pink na stationery. Maganda ang design, puro musical note at piano...may mga linya ito at puwede mong sulatan... Yes, silly thing called love... I made a loveletter for the first time in my life. This time kung ano ang nilalaman ng puso ko, hindi na ako nagkaila. Sinabi ko na ang totoo. Pagkakataon na ito, palalampasin ko pa ba?
Alam ko kung saan siya maglalagi... Hinintay ko siyang lumabas ng bahay nila. Luminga ako sa paligid. Sinipat ko ang bintana dahil baka nakatingin pa si Mrs. Cornejo. Wala.... Walang guwardiya. nagmadali akong lumapit sa kanya. Iniabot ko ang mabangong papel na iyon. Nagulat siya na ipatong ko iyon sa kanyang tablet. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagkabigla pero napangiti siya.
Oo, noon ko lang siya nakitang ngumiti sa akin ng walang halong inis. Saka ako nagtatakbo palayo, palabas ng kanilang bakuran.
Masayang balikan ang alaalang iyon ni Maya. Iyon ang bukod tanging nakapagpapasaya sa akin habang malayo kami sa isa't isa. Oh, Maya...
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?