A LITTLE WEIRD

14 0 0
                                    

MAYA'S POV



Kita ko sa mga mata ni Lucas na nagugulumihanan siya sa mga pangyayari. Hindi niya maintindihan kumbakit nangyayari ang lahat. Simula ng magbalik kami sa nakaraan, inaasam- asam kung muli kaming magkikita sa iba't ibang pagkakataon sa kasalukuyan.



Ang pagbabago ng mga pangyayari sa nakaraan ay maaaring makapagpabago rin sa ikot ng mga pangyayari sa hinaharap.



Simula ng makapasok ako sa kahong iyon na tila ba isang malaking refrigerator at dalhin kaming muli ni Lucas sa aking pagkabata noong 12 years old kami, naisip kong hindi lang iyon ang una naming pagkikita. Masusundan at masusundan pa iyon ng maraming beses hanggang sa makontento ang aming mga puso.



Tulad ng mga inaasam-asam kong maranasan kasama si Lucas bilang tinedyer... naranasan kong mahalikan sa unang pagkakataon. Magtago sa likod bahay habang gumagawa ng kababalaghan at nagiging curious sa aming mga bagong sibol na katawan.



Hindi ko maipaliwanag ang klase ng pagnanasang iyon ng dumampi ang labi ni Lucas sa aking labi hanggang sa bumaba iyon sa aking leeg. Nagulat ako sa ginagawa niya pero nadala ako sa tukso at nagustuhan ko naman. Masyadong mapusok ang aming kabataan.



"Maya...." Nakita ko ang aking sariling nagpapahinga sa long sofa. Nakataas ang aking paa at nakasandal ang aking katawan. Hindi ko alam kung tulog ba ako o bukas ang aking diwa habang nililipad kung saan ang aking isipan pati ang aking kaluluwa.


"Mama..."


"Iha, bakit ba parang wala ka sa iyong sarili?" Tanong ni Mama. Kung alam lang niya, enjoy na enjoy ko ang aking pamamahinga sa ibang dimensyon habang tumatakas akong pansamantala sa katinuan ng aking isipan, hahaha... Sana lang makabalik akong matino sa katotohanan. Sana ay handa ako sa magigisnan ko sa kasalukuyan habang nag-i-enjoy akong balikan ang nakaraan.



Ang nakaraan na aking naiwan ngunit nagagawa kong balikan pansamantala kahit ilang saglit lang. Iyon talaga ang mga bagay na inaasam-asam kong gawin kasama si Lucas, at iyon ang pinakamahalagang alaala sa lahat na puwede kong iwan pagbalik ko sa kasalukuyan.


STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon