A/N: I feel the same... I was stuck...Totally stuck but trying ... And WHAT if....
LADY MAYA'S POV
L.A. California....DIAMOND HOTEL, SUITE 901
Ibinagsak ko ang pagod kong katawan sa kama. Dumiretso ako sa kuwarto para magpahinga. Gusto kong mag-lock ng kuwarto . Ayokong maistorbo pero hindi puwede. full-packed ang schedule ko sa buong buwan. Puro kami tour dito, tour doon para i-promote ang bago kong kanta. Narinig na kaya ni Lucas ang kantang iyon? Natuwa ang music arranger ko. Tuwang tuwa siya ng ibigay ko ang piraso ng papel na iyon. Wala na ang bango ng stationery noong una ko iyong buklatin . Magkaganoon pa man ay napakahalaga sa akin ng papel na iyon.
Napangiti si Bob. Akala niya ako ang may gawa noon. Hindi na puwedeng habulin ni Lucas ang lyrics ng kantang iyon. Abah, ayokong sabihin niyang ninakaw ko sa kanya ang intellectual property rights nito dahil ibubuking ko siya.
Minsan, nakakagulo talaga ng isipan ang puso. kasi minsan kung sino yong gusto mo, hindi mo alam kung gusto ka niya. Minsan naman, hindi mo talaga gusto ang taong halos ipagpilitan ang sarili nila sa iyo. Mahalaga daw na pahalagahan ang taong nasa tabi mo na kaysa naman manatili sa nakaraan. Ano bang mahalaga? ang nakaraan o ang hinaharap? Makuntento na may mga bagay talaga na hanggang sa pagkakaibigan lang nauuwi at hindi na beyond sa gusto natin. Lalo na kung hindi talaga tayo ang nakatadhana.
Naalala ko talaga si Lucas.
Reminiscing the past........ I'm in love with him pero hindi ko alam kung alam niya. Kumikilos siya na parang wala lang. Alam kong hindi magiging kami hangga't nandyan si Tasha. Who knows baka naunahan na ako ni Tasha. Malaya silang dalawa samantalang ako panay lang ang sulyap sa lugar nila habang nagkukulitan sila. Nasubukan ko na rin ang ginagawa niya. Masaya din palang tumunganga at titigan lang si Crush. Kahit nakatunganga ka lang sa kanya, sumasaya ka na. paano pa kaya kung nakakausap mo siya ng matagal at ngingitian ka niya ng harap-harapan with matching touch n your hair and on your cheeks. WOW! anggaling kong mangarap. Anggaling kong gumawa ng sarili kong romantic scene kahit hindi magiging totoo. wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ni Mama, basta masaya ako sa aking ginagawa. Iyon lang ang kaya kong gawin sa ngayon.
Bigla akong naiyak. Naalala ko si Papa. Sana nandito siya para mas masaya kami ngayon.
Habang nagmumuni-muni ako sa sinapit nang buhay namin ni Mama at kumbakit ganito ang buhay namin, nagulat ako ng makita si Lamb na papalapit sa akin. Napalakas ng loob niya ngayong lapitan ako. Pero para siyang magnanakaw na palinga-linga sa loob ng bakuran. Nagulat ako ng ilapag niya ang pink na papel sa tablet ko. Dumagundong ang dibdib ko, grabeh! Feeling ko talaga, nag-blush ako ng lumapit siya. Walang sabi-sabi... nagtatakbo siya .
Ano ito?
What?
Loveletter...
Kinabahan ako kaya itinago ko kaagad ang papel sa tablet case ko... Safe iyon sa likod ng tablet. Hindi iyon mahuhulog. Grabeh! excited na kaong basahin. Ang tagal ni Teacher... Hindi kaagad ako makakapasok. Hindi ko kaagad mababasa ang laman ng sulat niya.
Nasaan na kaya si Lucas?
Naaalala pa kaya niya ako ngayon?
What if Lucas heard his familiar loveletter? Would it matter to him that I made it into song? What if he looked for me not because he wanted to see me but going to sue me for .... Hay bakit naman ako ididemanda eh wala naman akong ninakaw sa kanya.
Intellectual Property Rights? Akin ang loveletter na iyon. Gawa niya oo pero ibinigay na niya sa akin and it becomes my property. Ako ang naglapat ng tono sa sulat na iyon. Ewan...
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?