WHAT ARE WE SUPPOSED TO BE

24 0 0
                                    

LUCAS'POV



Naiwan ako. Si Tasha na lang ang kasama ko. Paano na tayo? Assuming na parang naging kami. Halos isang linggo akong nagmukmok. Ni hindi ako makatulog ng maayos at nawalan ako ng ganang kumain.



"Lucas, magbisikleta naman tayo mamayang hapon pagkauwi." Sabi ni Thomas. "Saan ka ba nagpupunta?"


"Broken hearted eh. Nilayasan siya ni Maya ng walang sabi." Sabay tawa ni Cholo. Nakipag-apir pa sa kanya si Juan Diego .


"Bakit girlfriend mo na ba si Maya? "Talagang inaasar ako ng mga hinayupak. Ayaw nila akong tantanan.


"Kasi naman puro ka titig."


"Puro ka tunganga, sa malayo mo lang tinitingnan. "


"Kapag lumapit naman, hindi nagsasalita. Paano mo masasabi ang gusto mo? Ano ka ba, Lucas? Are you some kind of deaf and mute?"



Grabe itong mga kaibigan ko. Wala man lang pagsuporta sa nararamdaman ko. Hindi ko man lang magpahingahan ng panghihinayang at pagkadismaya ko sa nangyari. PInagtatawanan nila ako. Akala mo naman ang tatapang nila kapag kaharap ang mga crush nila.



"Ikaw, Tomas. Huwag ka ngang mayabang. Hindi ka nga makaporma kay Tasha. Akala mo kung sino kang matapang."


"Pssst! Lucas. Huwag ngang maingay. Baka biglang sumulpot si Tasha." Takot din naman siyang mabuking. Nakakainis!



Nawalan ako ng motivation sa pag-aaral. Lagi akong tumatayo sa harapan ng bahay nila. Gusto kong tumayo doon kahit hindi pa lumabas si Maya. Tatambay ako sa tapat ng bahay nila na parang may inaabangan pa ako.



Pati si Tasha ay nakahalata. Masyado akong tahimik kapag magkasama kami. Hindi ako nagkukuwento. Hindi ako nakikinig sa kanya. Ayoko sanang sumama sa kanya. Kuwento siya ng kuwento ng kung anu-ano na hindi naman ako interesado. Kay Maya lang ako interesado. Hindi ko magawang mag-usisa kung kumusta na si Maya. Tiyak na may update siya kasi magpinsan sila pero pinakapigil-pigilan ko ang sarili ko dahil alam kong magkakaroon siya ng ideya. Kapag nagsimula akong magtanong tungkol kay Maya hindi ko alam kung hanggang saan ko makokontrol ang sarili ko.



"Bakit ka ba tahimik?"


"Gusto ko lang umuwi kaagad."


"Parang hindi naman... 'yong totoo..." As if sasabihin ko naman ang totoo.



After all theses years...


Kumusta na nga kaya si Maya?



Tinitigan ko ang larawan niya sa aking wallet. Kuha iyon ni Mama sa handaan ng minsang dumalo kami sa kanila. Nakita ko lang iyon sa mga pina-develop na pictures. Itinago ko kaagad para hindi ako tuksuhin ni Mama.

,

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon