MAYA'S POV
Anytime soon ay palipad na kami ni Mama sa America. At iyon ang hindi ko napaghandaan. Kaninang umaga ay nakita ko pa si Lucas sa bakuran namin ng dumaan ang school service nila. Nagkakagulo na naman sila sa loob habang tahimik na nakaupo ang mga babae.
"Maya, halika na anak. Magbihis ka na" Nakahanda na ang damit ko sa ibaba ng kama. White maong pants, checkered red and white na long sleeves and a black boots. Pakiramdam ko, may lakad kami at may performance ng ganoon kaaga. Pagsilip ko sa sala, nandoon si Tita Mildred. Tinutulungan niya si Mama na buhatin ang malalaking bagahe ng maleta.
"Ate, ingat na lang kayo doon ni Maya. Balitaan mo na lang kami kung nakapasa siya sa audition."
"Hay sana nga. Naku isama mo kami sa dasal , Mildred. Ito talaga ang pangarap ni Enrico para kay Maya. "
Hindi ako makapaniwala na ngayong umaga ang alis namin. Hindi ako makaiyak. Baka tanungin ni Mama kung ano ang iniiiyak-iyak ko. Mabilis akong gumawa ng sulat para kay Lucas. Kailangang maibigay ko iyon kay Tasha. Naka-staple iyon para hindi pakialaman ni Tita Mildred.
Pagkatapos naming kumain, saka kami sumakay ng kotse. Nasa likod ako.
"Maya, try your best to pass your audition. We are so proud of you Iha. You are almost there so pray hard that you'll be able to get the spot."
"I will do my best Tita. Mmm, Tita Mildred, puwede po ba ninyong ibigay kay Tasha ang sulat ko."
"Sure, Iha. Hindi ko kasi alam na ngayon ang alis ninyo. Quarterly exams niya ngayon kaya hindi rin siya makakasama para ihatid ka." Inilagay niya ang sulat sa bulsa ng kanyang bag. "Tiyak na matagal din tayong hindi magkikita. Magiging busy ka na doon." Sure na sure na si Tita na makakapasa ako sa audition matapos ng interview ko kay Helen. Malaki ang tiwala nila sa kakayahan ko at sa dedikasyong iginugugol ko sa pag-i-ensayo. Nakita naman niya ang pagpupursigi ko lalo na ang suportang ginagawa ni Mama para i-manage ang career ko.
Wala akong alam sa mga pakikipagtransaksyon niya sa larangang pinapasok ko. Sa edad ko, may batas namang pumuprotekta sa karapatan namin para hindi kami maabuso. Hindi kami puwedeng magtrabaho ng higit pa sa apat na oras... sa edad kong labindalawa. Kapag nag-sixteen na ako at nag-eighteen lalong mabibigyan na ako ng pagkakataon para sa mahaba-habang oras ng trabaho. Doon ko kakailanganin ng proteksyon sa sakit, sa pagod at puyat na common na kalaban ng artista. Hindi naman kasi kami nagkakalayo ng klase ng trabaho.
Parang okay pa ako pero pagdating namin sa airport idinaan ko na lang sa pagyakap kay Tita Mildred ang iyak ko. Kasama doon ang panghihinayang na hindi kami nagkausap ni Lucas at Tasha. Hindi ako nakapagpaalam kina JD, Cholo at Tomas. Sabagay, ano ba naman ako sa kanila ? Kailan lang naman kami naging close sa isa't isa.
Sana maibigay ni Tasha ang sulat ko kay Lucas.
Matapos ang matagal na pagpaalam nina Mama at Tita Mildred, hinalikan niya ako at niyakap muli ng mahigpit. "Maya, ingatan mo ang mama mo. Magpapakabait ka at palagi kang susunod sa mga sasabihin niya sa iyo. Para rin naman sa kinabukasan mo ito, Iha"
"Opo, Tita..."
Binati kami ng mga Immigration Officers at ipinakita ni Mama ang aming mga passports. Nagulat ang isang flight attendant na napadaan sa entrance.
"Huh! Si Maya 'yon di ba? Yung batang singing Youtube sensation ngayon. ... " Hinintay nia kami at saka nagpakuha ng larawan. "Naku, iga-grab na namin ang opportunity na ito, Maya kasi baka sa susunod hindi na kami makapagpakuha ng litrato sa iyo kapag sikat ka na" Hahaha, nakakatawa.
Sino ang may gustong maging sikat kung katumbas nito ay ang iyong kalayaan na lumaking normal na bata, maging teenager sa isang normal na kapaligiran, makihalubilo ng hindi pinagkakaguluhan, makakalabas ng bahay ng hindi nagdi-disguise o kaya kumain kasama ang mga simple at ordinanryong tulad sa kalye tulad nina Tasha, JD, Tomas, Cholo at Lucas?
Hindi ko gusotng ipagpalit ang uri ng simpleng buhay sa isang marangya ngunit malungkot na buhay habang malayo sa bansang aking nakagisnan. Iba pa rin na dito ako lumaki sa Pilipinas.
Ang pagkakalayo namin ni Lucas ay pangalawang kabiguang naranasan ko.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?