A/N: Lahat tayo ay napapangiti ng alaala. Kailangan mong balik-balikan kung talagang wala kang magawa. Paulit-ulit lang kahit sa bandang huli, wala kang mapapala. Kahit wala akong napala, napagaan niya ang kalooban ko lalo na kapag pagud na pagod ko sa trabaho. Minsan naiwawaksi ko na lang siya sa aking isipan dahil occupied ako sa maraming bagay, rehearsals, schedules, scripts, lyrics, costume fitting , shopping, night life, out of town shows, and concerts...At sino ang hindi mapapagod? Tinititigan ko na lang ang picture namin ni Lucas. Kuha iyon sa isa sa mga party na ginanap sa bahay.Pinakaiingatan ko ang larawang iyon. Hangga't maaari ay hindi ko ipinapakita kahit kanino.
Napapangiti ako sa alaala ni Lucas... I can't help but look back. Look back and look back and a lot of flashbacks... Para na akong may sakit ng schizophrenia ( tama ba spelling ko...) Hanggang alaala na lang ako. Pag feel kong balikan ang lahat, buhay na buhay si Lucas sa aking imahinasyon at naririnig ko ang halakhak niya. Pati ang kanyang boses, naririnig ko.
Wala akong mapapala dito pero ito kasi ang kasiyahan ko. Ito lang ang kaligayahan ko. Dito ako napapangiti ni Lucas. Tuwing lalabas ako at may makikitang mga batang babae at lalaki na magkasama , halos kasing edad lang namin noon ni Lucas... Napapabuntunghininga kaagad ako. Isang kabaliwan ang manatili sa kanyang alaala. OO naman, hindi ba talagang kabaliwan iyon. Kagagahan na rin kung gusto mo . Napangiti ako ng magkulitan sila sa harapan ko. Pang-asar ang batang lalaki. Hinabol siya ng kurot ng dalagita at ng tuluyang nasukol, tinakot na hahalikan niya ito. Ni hindi man lang kami umabot sa level na iyon. Hanggang kain ng icecream , ligo sa ulan na may kasamang sermon at nakatanggap ng loveletter sa unang pagkakataon.
There is no one else who can make my heart beat like this. Naiisip ko pa lang si Lucas, iba ang kilig na hatid niya sa akin. I don't deny that tiny detail na kinikilig ako sa kanya.
What if ... magkita kami ngayon ni Lucas? Mga binata at dalaga na kami? Grabe, I feel hot. Hindi ko carry...I can't even think how it would be, seeing him face to face...
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?