3RD PERSON'S POV
Nasa magkabilang dulo ng mundo sina Maya at Lucas at ang puso nilang umaasa magpahanggang sa mga oras na iyon ang nag-uugnay sa kanilang dalawa. Patuloy na umaasa sa pagkakataon ibibigay sa kanila ng tadhana kung may nalalabi pang oras upang mabigyan ng katuparan ang lahat ng kahilingan ng kanilang mga puso.
Sa kabila ng pangungulila at pagkahati ng puso't isipan, hindi mababago ni Maya ang kahilingan ng kanyang puso ,walang iba kundi si Lucas. Nakita niya ang libu-libong bituin. Kumikislap sa di kalayuan, tila pinagmamasdan din siya sa ibaba, kumikindat at malamang ay nginingitian ang kanyang kahungkagan.
Sa kabilang banda, kahit ang puso ay pagod na at gusto na ring sumuko...ilang beses man niyang sabihin na pakakawalan na niya si Maya, nananatiling hanggang salita lamang ang lahat. Napayuko si Lucas. Hindi niya kaya. Nangangarap siya sa katanghaliang tapat habang ang mga bituin ay tila nagpapahinga din. "Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?" Ganoon din ang nasabi ni Maya ng mga oras na iyon .
Parehong naghihimutok ang desperadong mga puso.
"Sana..." Sabay na napabuntunghininga ang dalawang pusong tila pagod na at paubos na ang pag-asa kahit sa magkabilang dulo ng mundo
"Kung makakabalik lang sana ako..." Sabay na tumulo ang kanilang mga luha, saan man sila naroroon ng mga panahong iyon. Humagulgol si Maya sa sobrang habag sa sarili. Malamig ang buong paligid dahil nababalot ng yelo ang buong lugar. Madilim at tanging bituin lang nagniningning . Tahimik na tumulo ang luha ni Lucas.
"Wala akong ginawa...Naduwag ako..." Ginawa nilang pareho kung ano ang kayang gawin ng kanilang kabataan ngunit hindi sapat iyon upang patunayan na sila ay para sa isa't isa. Ang puso nila ay mananatiling tapat sa isang lihim na pag-ibig na kailanman ay hindi nila nasabi sa bawat isa magpahanggang sa mga oras na iyon.
Isa lamang ang nakaaalam ng totoo...
Tila may pagaspas ng hangin ang dumaan sa harap nilang dalawa sa kabila ng magkaibang lugar nila.
Magbabago ang lahat.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?