FB: MAYA'S TURN

26 0 0
                                    

MAYA'S POV



We were as young as 12 years old then when I sure felt that feeling... Yes, but I denied it . I first fell in love with him the first time a saw him secretly staring at me while I am seated under the tree taking my time to relax during the early morning break.



Ilan lang iyon sa mga pagkakataong nakakatakas ako o kung hindi naman ay pinapayagan ding lumabas hanggang sa bakuran namin para makasagap ng sariwang hangin, mai-relax ang isip at maging handa sa mga susunod kong ensayo . Mas nararamdaman ko ang pagiging bata tuwing mag-isa ako at walang ginagawa. Malaya sa mga bagay na gustong gawin at isippin. Walang pressure at walang masyadong iniuutos sa akin na gawin ko ito, gawin ko iyon kahit napipilitan lang ako.



Hindi ako masyadong nakikihalubilo sa mga kapwa ko bata pero may mga pinsan ako. Madalas kong kasama si Tasha dahil kaedad ko siya.



Hanggang sa isang araw, tuluyan na kaming nagkahiwalay. Iyon ang pinakamalungkot na bahagi ng aking buhay. Sayang, tatanungin ko sana siya noong araw na iyon kung ano ang ibig niyang sabihin sa sulat niya pero iba talagang magbiro ang tadhana. What a darn bad joke?



At iyon ang huli naming sulyap sa isa't isa...



Ang huli at ang mga sumunod ay maiilap na pagkakataon para sana makausap ko siya . Mas pinaglayo kami ng aming tadhana na abala kung paano kami paglalaruan at gagawing miserable sa aming nararamdaman at ni minsan ay hindi man lang namin nasabi sa isa't isa...kaya kami parehong na-stuck sa alaala ng bawat isa.



What if nasabi ko sa kanya ng araw na iyon.... Ano kayang mangyayari?


STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon