TAGPO: Kasalukuyang nasa loob ng opisina si Lucas. Nagmumuni-muni siya sa bilis ng mga pangyayari. Hindi siya makapagdesisyon. Nahahati ang kanyang kaloooban kung makikipagkita pa siya kay Maya. Ito ang huling pagkakataon...
Pagkatapos nito, makakapagdesisyon na siya. Hahayaan na niya si Maya. Haharapin na niya ang buhay na mtagal niyang napabayaan dahil lang kay Maya. Ili-let-go na niya ang lahat ng alaala ni Maya at magsisimulang muli. Hindi pa naman huli ang lahat.
LUCAS' POV
Kailangan ko nang magising sa katotohanan na nasa magkabilang dulo ng mundo kami at hindi kami puwedeng mabuhay sa nakaraan. Ilang taon? Labinlimang taon... Sapat na upang harapin namin ngayon ang sari-sarili naming buhay upang bumuo ng pamilya balang – araw.
"Award winning Filipina singer Maya just engaged..." Iyon ang sabi sa balita. Tutok na tutok ako sa entertainment news. Malapit na siyang ikasal kay Troy. Iyon ang laman ng balita ng araw na iyon. At may malaking rebelasyon daw na sasabihin si Maya sa Yokohama Stadium. Kailangang nandoon ako.
Matapos ang kanyang concert dito sa Pilipinas, bumalik siya sa US para sandali ay magpahinga upang harapin ang panibagong yugto ng kanyang buhay, ang pag-aasawa. Hindi kami nagkita ni Maya or should I say, I didn't show up again. It was all because of that simple interview from Helen Degeneris Show.
Aminado ako... Pareho silang sikat ni Troy Ivans at pareho rin ang pagkahilig nila sa musika kaya hindi malabong magkasundo sila sa lahat ng bagay. Lahat ay puwedeng humantong sa isang relasyon. At sa industriyang kanilang kinagagalawan, suwerte nila dahil nananatili silang matatag sa kanilang relasyon. Sanay na ang mga tao sa napapanuod nila, sa una lang magdi-deny pero sa bandang huli, aamin din. At tiyak kong ganoon din sina Maya at Troy sa mundong kanilang kinagagalawan.
Pero ako... heto, nagpapaka-emo. Nasa tapat ako ng bahay nina Maya. Hindi ko maiwasang hindi lingunin ang nakaraan. Sana ay nagawa kong sabihin kay Maya na gusto ko siya. Hindi naman masamang magka-crush di ba? Sana lang nasabi ko sa kanya at nabigyan kami ng pagkakataong lumaki ng sabay sa iisang lugar at naranasan ang mga bagay tulad ng mga batang kaedad namin 15 years ago...
Ah, si Maya... Hanggang ngayon, hindi siya mabura sa isip ko. Simula ng makita ko siyang sumakay sa kanilang kotse ng umagang iyon, hanggang sa papalayo ang aming school bus... gusto kong sabihing hintayin niya ako dahil mag-uusap kami pag-uwi ko galing school. Pero hindi ko na pala iyon magagawa.
Sinulyapan ko ang kahon ng mga sulat ni Maya. Hinawakan ko ito na para bang dinadasalan iyon. Napapikit ako. Huli na para sisihin si Tasha. Nangyari na ang lahat.
Kinabukasan, nagpasya akong umalis at magtungo sa isang tahimik na lugar. Binagtas ko ang kahabaan ng Quirino Ave. patungong Maynila. Pupunta ako ng baywalk. Susubukan kong basahin ang mga sulat ni Maya hanggang sa lumubog ang araw at hanggang sa matapos ko iyon.
Humanap muna ako mapaparadahan, sa isang fastfood chain. Bumili ako ng makakain, Dinamihan ko ang fries at large coke talaga ang kinuha ko. Dalawang champ burger dahil mukhang mapapasabak ako sa pagbabasa.
Hawak ko sa kanan ang kahon at nasa kaliwa ang isang malaking paperbag ng order ko. Humanap ako ng mauupuan. Hindi pa mainit sa lugar. Mahangin pa nga at konti pa ang mga sasakyan. Madami pang nagdya-jogging at nagbibisikleta. May mag-asawang matatanda ng magkahawak kamay at naglalakad-lakad .
"That's forever..."Sabi ko...
Kahit sino naman eh may karapatang maniwala sa forever...Kahit ako. Kahit malapit na akong sumuko. May forever pa rin. Tiwala lang.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?