MAYA'S POV
AMERICA
SILVERBROOK PARK
Hindi ako natuloy sa pag-uwi sa Pilipinas para lang ipaliwanag ang aking sarili kay Lucas. Kung malawak ang kanyang isipan, he will give me the benefit of the doubt. Nakarating ako hanggang sa parke. OO, may parke rin sa subdivision na tinitirhan namin ni Mama. Matagal akong naupo doon, hanggang sa humiga ako sa nagyeyelong damuhan at tumingala sa langit. Angdaming bituin ng mga oras na iyon. December na kasi...
"May nakikinig ba sa akin ngayon? Hoy mga bituin, naririnig ba ninyo ako? Lucas, naririnig mo ba ang tibok ng puso ko...Baka puwede ninyo akong bigyan ng isang kahilingan. Wala bang mahuhulog na bituin ngayon para man lang pagbigyan ang kahilingan ko. " Para akong siraulo na kinausap ang mga bituin para sa isang kahilingan.
Pagtingin ko sa aking relo....1:43 na pala. Parang kahihiga ko pa lang. 1:43 kaagad ? Tumayo ako at nanatiling nakatingala sa langit ng mga oras na iyon. Iisa lang ang iniisip ko ngayon... si Lucas at ang umagang nagtama ang aming paningin sa kotse habang nasa school service ako.
"Pagbalik ko, sasabihin ko na kay Lucas ang nararamdaman ko para sa kanya" Sabi ko sa sarili ko. "Tama, iyon ang sasabihin ko. Kalilimutan ko ang lahat. Magsisimula kaming muli ni Lucas. This time, totohanan na ito."
Pumasok ako sa bakuran namin. Nagmamadali akong pumasok ngunit tila iba yata ang napasukan ko ng mga oras na iyon. Nasa loob ako ng isang tila ba freezer na malaki, kasya naman ako. Kasing hitsura siya ng mga ref sa tindahan ng softdrinks, transparent ang pinto nitodahil gawa ito sa bubog. May maliit na monitor dito. Pamilyar ang lugar na naka-flash sa screen.
Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataong bumalik sa lugar na iyon at sa taon kung saan huli nagtagpo ang aming mga mata ni Lucas sana...
Iisang pagkakataon...
Iisang oras...
Iisang lugar...
Iisang tao...
Babalikan ko ang nakaraang iyon para kay Lucas...
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?