MORNING GOODBYES

12 0 0
                                    

MAYA'S POV



Wala akong ibang hiniling kundi ibalik ako sa dating panahon kung kailan huli kaming nagkita ni Lucas. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon sa isang iglap... Basta, nagulat ako... Paalis na kami ni Mama ng umagang iyon. Flight namin papuntang Chicago , US ... Umaasa ako na magkikita pa kami ni Lucas at masasabi niya sa akin ang ibig niyang sabihin sa kanyang sulat.



"Maya, come on Honey. Baka tayo ma-late sa flight. "Excited si Mama. May interview ako kay Helen Degeneris. Paglabas ng kotse sa bakuran ay nagkasalubong kasi namin ang school service ni Lucas. Nagtama ang aming mga paningin at tumulong bigla ang aking luha. Nakatingin siya sa labas ng bintana.


"Mama, will you please stop the car?" Huminto naman si Mama pero patuloy ang paglayo ng sasakyang iyon. Ilang saglit ay huminto ito at bumaba si Lucas.



Patakbo kaming lumapit sa isa't isa, nasa tapat kami ng malaking puno ng eucalyptus sa tapat ng bakuran namin, biglang lumakas ang hangin at dinig na dinig ko ang pagaspas ng mga dahon nito. Nagbagsakan pa ang mga tuyong dahon.Nagtagpo kami sa gitna ng daan ng mga oras na iyon.



Umiiyak ako sa unang pagkakataon sa harap mismo ni Lucas..



"Lucas..."


"Maya..."


"Aalis na kami..." Dinig kong sumigaw ang kanyang mama. "Lucas, kalilimutan mo ba ako?"Tanong ko sa kanya.



"Maya..."


"Hintayin mo ako ha . Babalikan kita. Kahit anong mangyari, huwag na huwag mo akong tatanggalin dito..." Itinuro ko ang kanyang sentido..." Huwag na huwag din dito..."At idiniin ko ang kanyang dibdib. Yumugyog ang balikat ni Lucas hanggang sa tuluyan siyang umiyak.


"Sabi ko babalikan kita. Hindi naman kita iiwan di ba?"


"Maya....Maghihintay ako Maya." Mahigpit naming niyakap ang isa't isa. Ramdam namin ang dagundong ng aming mga dibdib.


"Maya, halika na.... Mali-late na tayo."


"Bye, Lucas..."


"Bye Maya..."



Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Lucas. Hindi ko akalaing masasabi ko lahat ang mga gusto kong sabihin ng umagang iyon. Kung anuman ang dahilan kumbakit ako nasa ganoong tagpo..."Salamat..." Iyon ang nasabi ko sa aking sarili. Tumulo ang aking luha sa sobrang tuwa. Lumuwag ang pakiramdam ko na tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib.



Lumayo ako sa kanya at nagtungo sa kotse. Tahimik akong umiyak .



"Don't worry anak. Marami ka pang makikilalalang lalaki kapag nagdalaga ka. Hindi lang si Lucas." PInahid ni Mama ang luha ko habang umupo ako sa tabi niya.



Nangako na kami ni Lucas. Hihintayin namin ang isa't isa hanggang sa muli kaming magkita. Panghahawakan ko ang pangakong iyon. Hindi ko siya bibiguin at ganoon din siya sa akin. Puwede na akong bumalik sa kasalukuyan... Iyon lang ang gusto kong sabihin kay Lucas...



3RD PERSON'S POV



Ngunit hindi ganoon kadali.... ang bawat pagbabagong mangyayari ngayon sa nakaraan ay magkakaroon din ng malaking epekto sa kasalukuyan. Paano sila babalik sa kasalukuyan ngayon?


So, magmo-moved on na rin si Maya....


Tingnan natin kung ano ang future....

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon