MAYA WISHED SHE KNEW

21 0 0
                                    

A/N: Lahat naman tayo madaming what ifs sa buhay... What if ganito ang nangyari kung ... What if ganoon ang nangyari dahil ...What if nagsimula kami ni Lucas ng relasyon ... may patutunguhan ba kami? May kahihinatnan ba ang aming relasyon kung sakali? Lahat ng nasimulan , may hangganan. Lahat ng sinubukan, may magiging resulta pero kung anuman iyon... maghintay ka sa susunod na kabanata. Huwag atat. Hayaang magkaroon ng suspense ang buhay, huwag lang humantong sa trahedya kasi hindi na iyon maganda.



MAYA'S POV



Minsan naabutan ako ni Mama na kilig na kilig sa pinanunood kung K-drama nina Minho at Sulli. Well, I tried watching it for the very first time in my life kahit nasa US kami. I was informed by Tasha na maganda daw ang drama na iyon. High school students ang mga bida.



Nabigla ako at naitiklop ko ang aking laptop.



"O bakit mo isinara ang laptop mo? Okay lang...panuorin mo. Natural lang sa edad mo ang kiligin. Abnormal naman 'yong wala ka man lang crush at mas nakakatakot kung walang nagkakagusto sa iyo."



Hindi ko man lang mai-open up kay Mama ang tungkol sa crush ko. At sa edad ko hanggang crush pa rin ako. Gusto kong tanungin, "Kailan ako puwedeng magkaboyfriend?" Kailangan siguro makaamoy muna siya ng Argentina Corned beef para magbago ang isip niya at payagan niya ako hehehe... Para kasing awkward. Atsaka kay Lucas pa nga lang noong mga bata kami, istrikto na siya, ngayon pa kayang dalaga na ako? Hay , baka lalo siyang maghigpit at palagi akong bantayan 24/7...



"Maya , huwag ka munang magbo-boyfriend. Madali ka lang makahanap ng boyfriend ngayon"


"Baka nga po, mas layuan nila ako dahil iba na ang naabot ko."


"May mga taong dadating sa buhay mo na totoo at wagas kung magmahal. Kahit alam nilang sikat ka, bonus na iyon sa kanila kasi mas mahalaga 'yong nararamdaman nila at hindi ang present status in life mo."


"Mahirap pa rin po..."



Hindi ko masabi na isa pa si Mama na puwedeng maging thick wall sa aming pagmamahalan kasi hinding hindi niya kaagad iyon mapapayagan.



What if sinuway ko ang utos niya at pasikreto akong nakipagrelasyon kay Lucas? Paglalayuin kaya niya kami ala Romeo and Juliet? Whoaaah! Okay 'yon ah....

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon