TASHA'S WRATH

21 0 0
                                    

TASHA'S POV



Hindi ako makapaniwala na all these time kaya pala hindi niya ako pinapapasok sa kuwartong iyon ay dahil sa mga posters ni Maya na nakadikit sa pader ng kanyang kuwarto . Imagine, ang laking poster noon. You know, I have never imagined a man like him to have a room like that. Eh parang sa Reply 1997 na Kdrama ko lang napanood 'yon dahil nga grabe sa pagka-addict si Unji sa H.O.T. , Male Korean Group during that time. Sa drama na iyon iniyakan ni Unji 'yung mga poster dahil nga nagalit ang tatay niya at sinira niya ito lahat.



Hindi ko alam kung maaawa ako kay Lucas ng iyakan niya ang mga larawang iyon ni Maya. Lalo akong nainis ng makita kong umiyak siya at inaway ako na parang bata. Nagmakaawa pa siya sa akin, as if naman, maaawa ako sa kanya. Nakita ko ang mga iniingatan niyang merchandize ni Maya. May ilang unlimited edition doon at sa on – line lang niya mabibili.



I was so disappointed with him.



Kaya pala, off limits akong pumasok sa loob, ganoon pala siya ka-adik kay Maya. Hindi na ako magtataka . Now this explains kumbakit hanggang ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng girlfriend si Lucas. masyado siyang loyal kay Maya. And even Maya showed too much loyalty to Lucas. Alam mo, hindi ko maintindihan kumbakit ganoon. Anglayo na nila pero parang anglapit lapit nila sa isa't isa. Samantalang si Lucas na physically anglapit sa akin, napaka-distant niya sa akin na parang may nakahahawa akong sakit.



Napakasakit noon para sa akin.



Sa sobrang inis ko, gusto kong pulbusin at sunugin ang poster na iyon ni Maya.



"Grabe ka naman sa ginawa mo..."


"Kulang pa nga iyon eh...Buti nga hindi ko binasag ang mga merchandize doon ni Maya."


"Alam mo, magkaroon ka naman ng konting respeto sa sarili. Kaligayahan iyon ni Lucas. "


"Alam mo Tomas, hindi ko alam kumbakit nandito ka sa tabi ko. Naiirita ako sa pagtatanggol mo sa dalawang iyon."


"Bakit kasi parang si Lucas lang ang pogi sa paningin mo?"


"Bakit? Talaga namang pogi si Lucas at siya ang type ko..."


"Oo, ipagsigawan mo pa na type mo siya. Lakasan mo pa!"


"Eh bakit ka nagagalit?"


"Alam mo, Tasha... mahirap ipagpilitan sa isang tao ang iyong sarili. Hindi mo ba naisip na kahit malayo sila... Iba ang koneksyon nila sa isa 't isa..."



Sa sobrang inis ko kay Tomas, sinampal ko siya. Para siyang emisaryo ng dalawa, tagapagsalita at tagapagpagtanggol....



Nagulat ako sa reaksyon ni Tomas. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa aking braso. Niyugyog niya ako para matauhan. "Sumosobra ka na ha! Kung hindi lang kita..."



"Ano? Sige, ituloy mo..."


"Kung hindi lang kita...." Binitiwan din niya ako kasabay ng malalim ng buntunguhininga. Nakita ko ang matinding pag-aalala ni Tomas. Kinabahan ako sa tingin niya. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Kasi akala ko, gaganti siya ng sampal sa akin.


"Ano? Sasaktan mo din ako..." Saka niya ako binitiwan. Tinalikuran niya ako. Biglang bigla parang gusto ko siyang pigilan. Hay, ano ba 'yon? Anong nangyari? Anong klaseng tingin iyon? Bakit ganoong tumingin si Tomas? Para siyang maiiyak na ... ewan, hindi ko masabi ... nakakainis kasi siya. Masyado kasi siyang apektado sa nangyari kay Lucas.



Napaiyak ako sa kaba at takot. Pero naiyak din ako sa sobrang inis kay Lucas. Alam mo, umasa ako. Feeling ko, gusto na ako ni Tita para sa kanyang anak. At si Lucas na lang ang problema ko. Matagal na kaming magkasa-kasama ni Lucas. Kulang na lang magkarugtong na ang aming mga bituka pero kasi dedma talaga ako. Hindi naman niya ako tahasang ipinagtatabuyan o binabastos pero ipinapakita niyang walang malisya ang lahat sa kanya kahit alam niyang gusto ko siya at may malisya ang hawak at tingin ko sa kanya.


STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon