LUCAS'TIME

26 0 0
                                    

LUCAS' POV



This doesn't matter at all. 


Lumipas man ang madaming oras, bumalik man ang dating oras... hindi mo na maibabalik ang mga bagay na sana ay noon pa nangyari. I love her even if she doesn't love me back o dahil hindi kami nabigyan ng pagkakataon. Hindi ko na nga nalaman kung ano ang reaksyon niya sa loveletter na ibinigay ko sa kanya, but I guess, I know for certain na binasa niya iyon at iningatan dahil sa tagal ng panahon...muli kong narinig ang loveletter na iyon pero this time it is already a song.



I am still waiting for her kahit masyadong malabo at parang walang future. Umaasa ako sa wheel of fortune na maging possible ang mga bagay sa takdang panahon para malaman ko kung ano ang nararamdaman niya para sa akin.



I can't even moved on easily.



"I held onto something that never really mattered..." Sabi nga sa kanta. Mahal ko pa rin siya kahit hindi niya ako mabigyan ng atensyon... kahit walang confirmation.



Maraming nangyari sa aming pagkakalayo, habang lumalaki kami, habang sabay kaming nabubuhay sa magbilang dulo ng mundo pareho naming itinuloy ang buhay. Nakapagtapos ako ng elementary. Nakapag-aral ng high school at kolehiyo na iba sa tipikal na binatilyo na panay ang lakwatsa at barkada. Kabilaan ang nililigawan at kinukursunada. At ako, parang dalaga sa kumbento, parang monghe sa isang malayo at liblib na lugar na malayo sa gulo ng mundo...(kasi may sarili akong mundo) malayo sa tukso ng mga babaeng naghahanap ng mabo-boypren.



"Lucas..." Boses ni Tomas at Cholo... wala si Juan Diego na may pagka-ADHD. Parang may sarili ding mundo.


"Masyado kang nagpapaka-monghe sa ginagawa mo. Lumabas ka naman. Buhay ka pa. Maraming magagandang bagay sito sa labas kaysa magmukmok ka." Sabi ni Cholo.


"Ikaw, kahit kailan... anglakas mong mang-asar." Sinakal ko nga siya. Sumusobra na eh. Paano naman gaganda ang araw ko kung sila ang tatawag sa akin? Anong magandang bagay ang mangyayari habang kasama ko sila?


"Tuturuan ka naming mang-chicks..." Ano ako? Tandang na panabong... Siraulong Cholo ito. Akala mo kung sinong matino.



Mapapalampas ko ba ang kalahati ng buhay kung hindi ko narananasang manligaw ng mga kaedad ko? May mawawala ba sa akin kung hindi ko maranasang makipag-date.



Niyaya ko na lang sila sa likod-bahay. "Sagot ko...Dito na lang tayo mag-inuman." Tuwang –tuwa ang mga mokong. Umorder kami ng isang case ng beer. Walang tatayo hangga't may natitirang patak ng serbesa sa aming mga bote. Magaling kumuha ng tyiempo si JD at dumating siya bago pa lang kami magbukas ng bote ng beer.



Umorder si Cholo ng pulutan sa Sgt.Sisig at ipinadeliver sa bahay. Hindi na umimik si Mama. Okay lang sa kanya iyon. Alam niya kasing hindi ko din gustong lumabas ng araw na iyon.



"Ano ba, Lucas? Hindi pa ba nagbabago ang nararamdaman mo para kay Maya?"


"What did you just said?" Hayun, dinig na dinig ni Tasha.


"Tasha..." Nagulat din si Tomas sa reaksyon ng babae. Nangilid kaagad ang luha niya.


"All these years..." Nanginginig ang katawan ni Tasha. Hindi siya halos makapaniwala sa nalaman niyang katotohanan. Bigla siyang umatras, nagtatakbo siya sa loob ng bahay at inaasahan kong aalis na siya ngunit nadaan pa niya si Mama na lumabas ng aking kuwarto.



OO, all these years...Hindi ako naging tapat sa aming pagkakaibigan. Pareho kaming nasa loob ng kuwarto ko. Nakaharap kaming pareho sa isang malaking larawan ni Maya na pinasadya kong ipa-imprenta ang bukod tanging larawan na gustong gusto kong pagmasdan pagkagising ko sa umaga at bago ako matulog sa gabi. Ang kauna-unahang larawan namin ni Maya sa party na ginanap sa loob ng bakuran nila.



"Ito ba? Ito ba ang dahilan kumbakit ayaw mo akong papasukin dito..." Sigaw ni Tasha. "Dapat dito... ha! Dapat dito, SINISIRA!" Dinig na dinig ko ang pagpunit niya.


"Tasha! Ano bang ginagawa mo?"


"Ito ba? Siya ba ang dahilan ng matagal na panahong pambabalewala mo sa akin? AHHHHHHH! Dapat sa kanya ay sirain. Sunugin!" Talagang ni-ransack ni Tasha ang buong kuwarto ko.


"Itigil mo 'yan, Tasha. Parang –awa mo na.... HUWAG!" Pinigilan ko si Tasha sa kanyang ginagawa. Nahabag ako sa mga larawan ni Maya. Hindi ako makapaniwalang pupunitin iyon ni Tasha ng walang awa. Nakatingin lang sina Cholo at JD pero hindi na nakapagpigil si Tomas. Inawat niya si Tasha.



Natigilan si Tasha. Hindi niya akalaing magiging ganoon ang reaksyon ko sa ginawa niya.



"Hindi ko maintindihan kung bakit si Maya pa ang matagal na panahon ko ng karibal dyan sa puso mo. Hindi mo ako nagawang mahalin sa kabila ng katotohanang anglayo ninyo sa isa't isa. Anong klaseng pag-ibig 'yan? Parang kayo lang ang tao sa mundo." Dramatic actress talaga si Tasha. Pinagsasampal niya ako at nainis ako.


"Ikaw? Bakit ayaw mong aminin na kahit kailan ay hindi kita gusto."


"Mahal kasi kita. Ako ang nandito sa tabi mo. Bakit kailangan mo pang hanapin ang wala? Kaya kong palampasin ang lahat ng ito. Kaya kong kalimutan, Lucas..."Niyakap niya ako ngunit pilit akong kumawala sa kanyang yakap. "Lucas, mahalin mo lang ako..." At doon dumampi ang labi ni Tasha sa aking labi. Kinilabutan ako at nagalit sa kanyang ginawa.



Matapos niyang magwala at sirain ang mga pinakaiingatan kong memorabilia ni Maya, akala mo kung sino siyang magmamakaawa na mahalin ko. Hindi ko siya mapapatawad sa mga ginawa niyang paninira ng mga gamit ko.



Madaming nangyari...


Mga bagay na lumipas at hindi mo na maaari pang balikan...


Kapag dumating ang oras na iyon...


Ang pagbalik ay katumbas na lamang ng alaala.


Ako...


Si Tasha...


Si Cholo...


Si Tomas...


Si JD...


Si Maya...


STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon