CUPID'S JOB

11 0 0
                                    

CUPID'S POV



Wala talaga akong kapangyarihan para paibigin ang isang nilalang tulad ng sinasabi sa mga libro. Lahat ng nilalang ay may puso at nagmumula ang lahat. Ito ang kanyang buhay. Ang pinakamakapangyarihan sa lahat ay ang PAG-IBIG na bumubukal sa puso ng sangkatauhan.



PAG-IBIG? Misteryoso itong kumilos sa iba't ibang paraan, sa lahat ng tao, at sa pinakapambihirang pagkakataon. Hindi mo inaasahan pero dumarating. Ito lang ang pakiramdam na hindi mo mapipigilan. Sa tuwing ito ay sinisikil , lalo itong naghuhumiyaw. Kapag ito ay iyong hinayaan, hindi mo na ito makokontrol at tuluyan kang mahuhulog sa mahika na dala nito.



O , Pag-ibig... tunay ngang makapangyarihan... Anupat ang magkabilang mundo ay iyong napag-uugnay... Ang tao ay patuloy mong binubuhay... Patuloy na umaasa na liligaya sa bandang huli kapag tunay at wagas na pag-ibig ay natagpuan...



Isang pares lang ng mga puso ang aking napagbibigyan dahil sila lang ang muling gumising sa akin sa matagal na pagkakahimlay.



Iisang pagkakataon...


Iisang oras...


Iisang lugar...


Iisang tao...



At ang lahat ay magbabalik sa nakaraan kung saan tumitibok ang puso.



At hayaang PAG-IBIG ang patuloy na mamayani hanggang sa ang puso ay makuntento at makaramdam ng paglaya... Babalik ang lahat kung saan nagmula... At bahala na ang tadhana...



Ang misyon ko ay tapos na.


STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon