LUCAS' POV
Maiiksi lang naman ang ibang mga sulat ni Maya. Mga Skype conversation iyon. Naka-screen shots at ang iba ay mga e-mails talaga na nasa MS Word format. Napaluha ko sa mga liham niya. Napagtanto ko na pareho kami ng nararamdaman ni Maya.
Hawak ko ang kulay pulang kahon, binuksan iyon at masaya kong sinulyapan ang makinang na bagay na nasa gitna nito. Bukas, yayayain ko na si Gwyneth na magpakasal. Ang singsing na ito ay para sana kay Maya pero sa tingin ko ay hindi na iyon magkakaraoon ng katuparan dahil malapit na rin siyang ikasal.
Siguro nga, ito ang tadhana naming dalawa.
Nasa kamay ko ang concert ticket at plane ticket na padala ni Maya. Pumunta daw ako sa concert niya. Pinakahuling concert niya iyon pagkatapos ng Asian tour niya. Huwag na huwag daw akong mawawala. Pero hindi na ako pupunta. Tuluyan ko na lang siyang kalilimutan. Sa ngayon, gusto kong balikan ang nakaraan sa mga oras na iyon. Umalis na lang ako sa lugar na iyon at umuwi sa bahay. Sa loob ng kuwarto ko itinuloy ang pagbabasa.
"Lucas, hindi ka ba papasok..." Boses ni Tasha. Hindi kasi ako pumasok. Tinawagan niya ako sa cellphone.
"Bukas na ako papasok. May inaasikaso lang ako."
"Are you home?" Hindi na ako umimik. ayokong maistorbo kaya pinatay ko ang cellphone ko.
Basa pa ulit. Sige ang basa...Hindi ko namalayang gabi na pala. Sige, basa pa. Basa pa hangga't kaya.Hanggang sa isinandal ko ang aking ulo sa headboard ng aking kama. Napatingala ako sa aking kisame.
Nangulila kami ni Maya sa isa't isa. Ang mga sulat na iyon ang patunay. Hindi nasayang ang paghihintay ko. Pero mukhang sa bandang huli, sa ibang tao pa rin kami babagsak. Tumayo na muna ako at iniwang nakakalat ang mga sulat sa aking kama. Masyado lang akong madi-depress...Naglakad – lakad ako sa labas ng bahay. Hindi na kasi ako makapag-isip ng matino dahil ang gusto kong gawin ngayon... liparin ang kinaroroonan ni Maya at yakapin siya.
Pumasok ako sa kanilang bakuran ngunit nagulat na lang ako ng isang iglap, para akong nasa loob ng isang box na kasya ang isang tao . Kasing laki ito ng ref na madalas nating makita sa convenient store, gawa sa bubog ang pinto at maraming maliliit na buttons na umiilaw. Parang isang videoke room na puwedeng magrecord ng boses mo. Nakita ko ang tila screen kung saan lumalabas ang isang pamilyar na pangalan ng lugar at isang petsa na hinding hindi ko makakalimutan.
Walang anu-ano, nakita ko si Maya... pumasok din siya sa kabilang pintuan. Kinabog ko ang salamin ngunit tila di niya ako nakikita o naririnig.
(Samantala sa kabilang banda , kitang kita din ni Maya si Lucas. Kinabog niya ang salamin. Para silang na-trap na pareho sa kahong iyon. Iisa lang ang tiyak nilang nakikita nila sa monitor. Iyon ang araw na umalis sina Maya patungong America para sa Audition niya sa Walt Disney.
"Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataong bumalik sa lugar na iyon at sa taon kung saan huli nagtagpo ang aming mga mata ni Maya sana..." Ganito rin ang nasambit ni Maya habang pinagmamasdan si Lucas sa kabilang salamin na parang hindi siya naririnig at napapansin ni Lucas.)
Iisang pagkakataon...
Iisang oras...
Iisang lugar...
Iisang tao...
"Babalikan ko ang nakaraang iyon para sa kanya..." Sabi ni Lucas.
"Babalikan ko ang nakaraan para kay Lucas at umaasa akong sa bandang huli ay kami pa rin. Hindi ako mangangamba. Tiwala ako a kanyang puso. Hindi iyon magbabago." Sabi ni Maya.
Pareho naming hawak ang aming mga dibdib. Pumikit kami at nagsanib ang aming isipan na kami ay magkikita sa nakaraan tulad ng aming inaasahan .
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?