MAYA'S POV
Pagdating sa Airport ay cancel ang flight namin dahil sa isang bagyo. Ah hindi lang isang bagyo dahil papalabas na sana ang Bagyong Losyang ng hilahin ni Bagyong Manang. Isang Fujiwara Effect ang tawag sa phenomenon na ito.
Bigla akong natuwa. Umuwi kami ulit sa bahay. Bandang hapon , nakita ko Lucas, kasama sina Cholo at Tomas. Hinihintay nila ang paglabas ni Juan Diego na kapitbahay namin. Lahat sila ay may bisikleta maliban kay Lucas. Nasa bintana lang ako at nakamasid. Tintingnan kung ano ang susunod na mangyayari.
"Lucas, magbisikleta na tayo. Kunin mo na ang bike mo doon."
"Ayoko... Wala ako sa mood."
"Sus, wala sa mood..." Sabi ni Tomas
"Broken hearted yata dahil kay Maya eh. Nilayasan siya ni Maya " Sabay tawa ni Cholo. Nakipag-apir pa sa kanya si Juan Diego .
"Bakit girlfriend mo na ba si Maya? "Talagang inaasar siya ng kanyang mga kabarkada. BInulungan siya ni JD. Napamulagat ang mata ni Cholo at kinilig.
"Uy, ikaw ha! Anglakas ng loob mong yakapin si Maya."
"Para kayong sina Romeo at Juliet kung mangako sa isa't isa ha..."
Biglang tumayo si Lucas sa harap ng bahay namin at saka sumigaw.
"Maya! Mayaaaaaaa!" Napatakbo ako sa harap. Para bang pinagsakluban ng langit at lupa si Lucas. Nakakapagtaka naman.
"Hi, Lucas... na-kansel ang flight namin ngayon ..." Bati ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang mata. Lumabas si Mama. Nakasimangot siya dahil sa pagsigaw ni Lucas. Akala ko nga magagalit si Mama. "Mrs. Cornejo, puwede ko po bang isama sa pagbibisikleta si Maya."
"Please Mama..." Kinulit ko si Mama at pinayagan naman niya ako.
"Lucas, ingatan mo si Maya." Himala! Anong nangyari?
"Huwag po kayong mag-alala..."
Dali-daling kinuha ni Lucas ang bisikleta sa bahay nila . Iniangkas niya ako sa kanyang bisikleta at hindi matatawaran ang kanyang abut-tengang ngiti. Magkakasama kami nina Cholo, Tomas at JD ng madaanan namin si Tasha at iniangkas naman siya ni Tomas. Kung hindi pa pinilit ni Lucas , mahihiya pa si Tomas.
"Sige na. Kaysa kay Cholo pa siya umangkas o kay JD, mabuti pang sa iyo na lang siya umangkas" Sabi ni Lucas
"Pahamak ka talaga, Lucas." Dinig kong sabi ni Tomas pero nakangiti naman siya.
"Gusto mo naman eh. Kunwari ka pa." Sulsol ko naman.
Huminto kami ni Lucas sa parke at naghanap kami ng magandang puwesto.
"Lucas, anong ibig sabihin ng sulat mo?" Doon kami nabigyan ng pagkakataon na linawin ang mga bagay – bagay.
"Maya, paglaki ko... paglaki nating dalawa... Puwede bang ligawan kita?"
"Hmm, okay lang... Masaya ako kasi hindi kayo natuloy...Mabuti na lang at pinayagan ka ni Mrs. Cornejo na sumama sa amin."
"Siguro para hindi ka malungkot kapag umalis ako."
"Ang totoo, masaya ako ngayon. kasi nakasama kita..." Nakaupo kami sa bleachers ng mga oras na iyon. Malawak kasi ang park sa loob ng subdibisyon namin at may soccer field kami. Nagkukulitan sina Tasha , Tomas at JD. Lumapit si Lucas sa akin . Napatingin lang ako sa kanya at patay-malisya kung anuman ang balak niya. Walang anu-ano ay hinalikan niya ako. Nagdikit lang ang aming mga labi. Nanlaki ang aking mga mata. Tumaas yata ang aking temperature dahil nag-init ang aking pakiramdam.
Sumambulat ang liwanag sa buong lugar hanggang sa lukuban kaming dalawa at ang buong lugar. Napakapit ako kay Lucas ng mahigpit. Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na liwanag na bigla na lang sumulpot kung saan. Natakot ako na baka pagmulat ko ay wala na si Lucas.
PRESENT....
MAYA'S POV
Nagulat ako ng bigla akong kalabitin ni Mama. Hawak ko ang aking guitar. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa posisyong iyon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Ang tanong: May nangyari bang hindi ko alam habang wala ako sa aking sarili? Nasa powder room naman ako. Pero di ko maalala kung ano ang kukunin ko doon.
Magaan ang pakiramdam ko. Tila may nagbago. Hindi ko alam kumbakit masaya ako. Feeling excited na hindi ko mawari.
LUCAS' POV
Ibinagsak ni Tasha ang isang white folder sa harapan ng mesa ko. Gulat na gulat ako at napahawak pa ako sa aking dibdib. Nanlaki ang mata ko. Para akong nahulog sa isang malalim na panaginip sa katanghaliang tapat.
"Hay naku, Lucas.... Kung kailan ka tumanda, saka ka nangangarap ng gising. Anong problema mo?"
"Wala lang... Para kasing..." Hindi ko masabi ang totoo. Hindi ko din kasi alam kung totoo ang nangyari. Luminga-linga ako sa paligid... Wala na si Maya...
Teka, totoo ba ang lahat o nananaginip lang ako?
Parang wala namang nangyari dahil nasa loob pa rin ako ng aking opisina, nakaupo at nagmumuni-muni.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?