If I could take it all back
I still want you by my side.
If only I could bring you back to me
If I could go back in time
promise we won't say goodbye
I never really moved on,
No, not in time...
LUCAS' POV
Tahimik akong umupo sa aking opisina. Bigla akong tumayo upang kumpirmahin kung totoo nga ang lahat na dinatnan ko sa kasalukuyan. Nakita ko ang larawan ni Maya sa studio tulad ng una kong pagbalik mula sa nakaraan. Totoong nagtanan kami... kung ganoon, may nangyari nga sa amin ni Maya. Kami nga ni Maya kahit nagtungo sila sa America. Nasa pader pa rin ang larawan ni Maya. Nandoon pa rin ang mga memorabilia ni Maya. Si Tomas at si Tasha at totoo ang concert... Tuloy ang concert...sa Japan... Kailangan niya ako doon pero nandoon din si Troy.
Pero ang kakaiba sa nakaraan, tumawag si Maya sa akin para pabulaanan ang lahat ng nakita ko sa interview. Ibig sabihin, mtagaal na kaming may relasyon ni Maya. Alam niya ang telephone number ko. May singsing ako para sa kanya at hindi kay Gwyneth.
Pagtingin ko sa relo, 1:43pm na.
Pag-angat ng aking mata, nasa airport na ako. Hawak ang aking bagahe at ang aking plane ticket.
Nasa harap na ako ng immigration officer at tinatanong ang passport ko.
"God bless po sa biyahe." At nag- niponggo siya. Going to Japan ang aking biyahe.At ano ang gagawin ko sa Japan? Ilang oras lang ang biyahe. Sumunod lang ako sa daloy ng mga pangyayari kahit madami akong hindi maintindihan ngayon. Paglapag ng eroplano, sumunod ako sa daloy ng mga tao patungong arrival area at hindi ko alam kung sino ang naghihitnay sa akin doon.
Sinalubong ako ni Maya sa airport. Nagulat pa ako at nagtaka siya.
"Lucas! Hmmm, I missed you. Akala ko maniniwala ka sa mga balita" Sabi niya sa akin. Hindi ako nagpahalata. Iyon ang first time na muli ko siyang nakita...OO, sa totoo lang, iyon ang kauna-unahang pagkakataon...sa kasalukuyan...
May lalaking kumuha ng aking bag habang kasunod namin ni Maya.
"Sa Kyunghee Hotel mo kami ihatid" Sa Kyunghee Hotel? Ilang beses na ba siyang nag-concert dito sa Japan? Hay, may nabura ba sa alaala ko?
Nasa tapat na kami ng Gundam Suite...
"Pahinga ka muna... Napagod ka ba sa biyahe." Sumakay na lang ako . "Bakit ba kanina ka pang tititg na titig sa akin? May sasabihin ka ba?"
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?