MAYA' POV
Lumipas ang maraming araw bagamat di ko na maibabalik, naging totoo naman ako sa damdamin ko kay Lucas. Alam ni Tasha ang lahat. Magkakaila pa ba ako sa pinsan ko? Malayo na kami ni Lucas sa isa't isa, ano pang mangyayari sa ganoong klase ng pagmamahal kung mayroon man? Kung tutuusin, madali iyong makalimutan sa paglipas ng mga araw lalo na kung abala ako sa aking gawain, sa lahat ng rehearsals, nap time and vacations from everywhere. But the more we are away, the more my heart grows fonder of him. Well, ganoon na nga, baliktad ang nangyari. Sa kanya ko hinugot lahat ng inspirasyon na puwede kong makuha. To be honest, alam kong may itinatago sa akin si Tasha. Ayoko lang siyang pag-isipan ng masama kasi pinsan ko siya at buo ang tiwala ko sa kanya. Ngunit sa kabilang banda, unti-unti akong nawawalan ng tiwala sa kanya.
Hindi na kami nagkausap ni Lucas tungkol sa loveletter na ibinigay niya sa akin. But for sure, the moment na marinig niya ang kantang iyon, alam niyang pinahalagahan ko ang sulat niya. Being an artist and a singer, I make things creatively on my own. Loveletter turned into a song... that's something. May something sa future, that is something special for both of us.
We have never been in a relationship so moving on is not a problem... Pero sa kaso namin ni Lucas, moving on is not an issue. Hindi naman kami bitter sa isa't isa. Wala pa kaming nasisimulan. Nahahati lang ang focus pero habang malayo kami, sinasamantala ko ang pagkakataon na magagawa ko ang lahat ng bagay na gusto ko, bago ako magising sa malawak na panaginip na ito.
"I held onto something that never really mattered..." Sabi nga sa kanta.
Pero nahal ko siya , mabigyan lang kami ng pagkakataon. Everything matters to me. Iyon ang gusto kong ipaaalam sa kanya kung magkakaharap lang kami. Hindi tulad ng gusto nitong ipahiwatig na parang balewala siya sa akin. Siguro naman gusto rin niya ng atensyon ko tulad ng atensyong gusto ko mula sa kanya. Lahat naman ng taong umiibig ay gustong mapahalagahan lalo na ng taong espesyal sa kanya.
Naka-home school pa rin ako ng mga panahong iyon sa America. Matapos kong maka-adjust kaagad, hindi ko inaksaya ang pagkakataon na makapag-aral. Walang idle moment para naman hindi ako masyadong mangulila kay Lucas. Tasha kept on updating to me.
Noong una, masigasig siyang magkuwento tungkol kay Lucas pero after sometime, she slowed down. syiempre, alam ko namang busy din siya. Busy din sila sa madaming schoolwork and exams. Magkabilang dulo lang kami ng mundo. Kahit bali-baliktarin mo, mga tinedyer kami at pare-pareho pa rin ang daily routine saan man ang mundo na ginagalawan namin.
"Malungkot si Lucas dahil umalis ka. Hindi ko siya madalas makasama. Wala ka na kasi..." iyon ang naalala kong sabi niya. Wala namng mang-iinis sa akin dahil wala akong masyadong kakilala sa lugar na tinitirhan namin. Ayokong nakikihalubilo sa mga kaedad ko. Hindi ako ganoon ka-confident na makisama sa kanila.
Habang busy silang nag-aaral, busy din akong nagtatrabaho at the same time, nag-aaral. Lalong mas mabigat ang tungkulin ko sa industriyang kinagagalawan ko. Malaki ang expectations nila sa akin sa music world. Kailangan kong gumawa ng pangalan... isang matunog na pangalan na pagkakaguluhan ng buong mundo.
Ngunit ang lahat ay mag-isa kong haharapin.
Malayo kay Lucas.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?